Chapter 2

2026 Words
Reign POV Natapos ang klase nang hindi ko pinapansin si Zylene. Hanggang ngayon kasi ay na b-badtrip ako sa nangyari sa'kin kanina, alam kong kasalanan ko kung bakit ako napunta sa sitwasyon na yon pero si Zy pa rin ang sisisihin ko, bakit ba. Panay ang pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi ko ito nililingon. Ewan ko ba, basta nakakainis. "Reign, pansinin mo naman ako!" hindi ko man kita ay batid kong nakanguso ito. Inis ko itong nilingon saka ito inirapan. "Tigilan mo nga ako, Zylene! Naiinis pa rin ako sayo." singhal ko. Nangunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ko. "Huh? Bakit? Inaano ba kita? Adik ka, girl?" sarkastikong aniya. "Ewan ko sayo!" sigaw ko. Sinamaan ko ito ng tingin saka nagpa-unamunang maglakad. "Reign, hintayin mo 'ko. Sorry na, pikon ka talaga." tatawa tawang paghabol nito. Napailing na lang ako dahil dito. Nang makarating sa cafeteria ay naghanap agad ako ng mauupuan, iisa na lang ang bakante at medyo may kalayuan iyon sa'kin. Nasa gitna kasi ako habang nasa dulo naman iyon. "I'll order our foods, treat ko. Bati na tayo, please!" sabi ni Zylene, napairap na lang ako ng makitang nag beautiful eyes pa sya. Alam na alam talaga n'ya kung paano ako uutuin. Sa halip na pansinin ay nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng mauupuan namin, pakiramdam ko ay pagod ako gayung ang ginawa lang naman namin sa lahat ng class ay magpakilala sa isat isa. "Reign!" boses iyon ng isang lalaki. Hindi pamilyar sa'kin ang boses nito kaya agad ko iyong nilingon. Nang lumingon ako para tingin kung sino ito ay biglang may bumangga sa'kin dahilan para tumilapon sa akin ang dala nitong juice. "What the?! Ikaw na naman?! Argh!" sigaw ko sa lalaking bumangga sa'kin. Siya 'yung napagkamalan kong si sir. Chua kanina. "Trip mo talaga ako, 'no?" inis kong dagdag. "Excuse me?" tiningnan ako nino mula ulo hanggang paa, saka natawang nagbalik tingin sa mukha ko. "Hindi kita trip 'no? 'Wag ka ngang feeling?" mayabang nitong tugon bago naglakad paalis. Sa inis ko ay ibinato ko sa kaniya ang shoulder bag ko dahilan para makaagaw iyon ng atensyon. "Omg! Bakit niya binato si Zack?" "Hindi niya ba kilala 'yan?" "Siguro." "Baka freshmen siya," Rinig kong bulungan ng mga nakakita sa ginawa ko. Nag iigting ang panga nito ng lingunin ako pero sadyang hindi niyon nabuhay ang takot ko. "Ano bang problema mo?!" mariing tanong nito. "Ikaw! Ikaw ang problema ko." angil ko. Natawa ito sa sinabi ko. "Ako? Bakit? Ano bang ginawa ko sayo?" nang aasar nitong tanong habang nakaturo sa sarili. "Ang bilis mo naman yatang makalimot?" nakangising sabi ko. Talaga atang inuubos ng lalaking 'to pasensya ko?! Naglakad ako palapit dito. Nang isang hakbang na lang ang pagitan namin ay saka lang ako tumigil. Ipinatong ko sa balikat nito ang kamay ko saka iyon inababa hanggang sa tiyan niya. "Well, hayaan mo 'kong ipaalala sayo," malanding dagdag ko. Hindi ko napigilang ngumisi nang makita kong magbago ang reaksyon ng mukha nito ng simulan ko ang paglapit ng mukha ko sa mukha niya. You don't know how much I hated a man like you, dumb*ss. "Gwapo ka nga, pero di mo mababago ang tingin ko sa mga lalaking kagaya mo" bulong ko sa isip ko habang tinititigan ang mukha nito. Gano'n na lang ang pagpipigil kong ipakita sa kan'ya ang totoo kong nararamdam. Napaka-gwapo nito sa malayo, pero hindi ko inaasahan mas gwapo ito sa malapit. Ang kulay abo nitong mga mata, ang mahahaba nitong pilit mata, ang makapal nitong mga kilay, ang matangos nitong ilong at ang perpektong hugis ang kaniyang labi ay patuloy na binabaliw ang aking sistema. "Zack!" Sa isang iglap ay naramdaman kong may tumulak sa'kin dahilan para maglapat ang mga labi namin. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa sobrang gulat. Ni-hindi ko man lang nagawang igalaw ang mga kamay ko para itulak ito palayo. "Oh! My! Ghad!" "Nahalikan n'ya si Zack?!" "Please, tell me. Hindi 'to totoo, right?!" "How I wish its just a nightmare, huhu." "I wish it was just a nightmare too. Can someone just please, wake me up?! I'm begging!" Wala sa sariling sabi ko sa isip ko. 1 2 3 4 5 seconds "Oh my ghad, Reign!" Hindi ko man kita ay alam kong si Zylene iyon. Thank God, I have Zylene. Agad akong nakahinga ng maluwag ng hilahin ako nito palayo na Zack. "Reign, are you okay?" nag aalalang tanong nito habang pilit pinagpapantay ang paningin namin. Sa halip na sumagot ay niyakap ko ito at pinigilan mag unahan ang mga luha ko. 'Yung first kiss ko, wala na. Wala na, 'yung first kiss ko. 'Yung first kiss koooooo. "Ano na naman bang trip niyo?" singhal ni Zylene sa mga ito. Bigla ay lumabas ang natural na arte nito sa katawan. "Bakit? Ano bang ginawa namin? Wala naman 'di ba?" hindi ko alam kung sino iyon pero sadyang nagawa nitong inisin lalo ako. "Pwede ba, Yno?q Hindi mo na ako mapapaikot d'yan sa mga kasinungalingan mo. Nakita kong itinulak mo si Reign. Ikaw din, Derick, itinulak mo si Zack para mahalikan niya si Reign." inis nitong sigaw. "Hindi ko sinasadya 'yun. Natisod ako kaya ko siya naitulak," mahinahong sagot ni Yno. Matunog na napangisi si Zylene dahil sa sinabi nito. "Kalokohan! 'Wag mo nga akong gawing tanga, Yno. Nakita ko 'yung nangyari kaya 'yun ang paniniwalaan ko!" puno ng sarkasmong aniya. "D'yan ka naman magaling, Zylene 'di ba? Ang paniwalaan ang sarili mo at ipilit na hindi totoo ang sinabi ko. Ni hindi ko nga alam kung kailan ako masasanay o masasanay pa ba ako d'yan sa gan'yang ugali mo!" bakas sa tono nito ang pagka-pikon. "Who do you think you are para sabihin sa'kin 'yan?!" galit na sagot ni Zylene, na s'yang ikinagulat ko. What the fck was that? "'yan 'yung problema, Zylene! Sino ako? Why asking me? Ask yourself, sino nga ba ako sa'yo?!" Nang hindi makasagot si Zylene ay humiwalay ako sa yakap ko dito. Nakita kong mapait na ngumiti si Yno ng hindi masagot ni Zylene ang tanong niya, tsaka iiling iling na umalis at lumabas ng cafeteria na agad rin namang sinundan ni Derick. "Bye, Reign--- ahh, by the way, I enjoyed the kiss, that was unexpected." nakangising ani Zack. "See yah, around." kumindat pa ito bago naglakad palayo sa amin. "Damn you!" angil ko habang dinuduro ang likod nito. "Oh, kayo? Anong tinitingin tingin niyo, ha? Tapos na ang palabas, alis!" Nagulat ako nang sa isang iglap ay nagawang ibalik ni Zylene sa normal ang lahat, parang walang nangyari. Wala ni-isa sa mga ito ang nagkamaling lumingon pa ulit sa'min. "Here's your bag, let's go," aniya matapos ibigay sa akin ang shoulder bag ko. *** "So, tell me. Anong nangyari?" seryosong tanong ni Zylene, naka-cross arms ito habang nakasandal sa sink ng washroom. Mabuti na lang at may dala akong extra na damit kaya nakapagpalit agad ako. "Akala ko ba nakita mo ang nangyari? Bakit nagtatanong ka pa?" natatawa kunwaring tanong ko pabalik. "Ano ba? Seryoso kasi!" angil niya. "Ano ba kasing nangyari? Bakit magkalapit ang mukha niyo ni Zack?" dagdag nito. Napapabuntong hininga akong nag iwas tingin dito. "Okay, fine. Mag k-kwento na 'ko." Hindi ko maitago ang inis sa tinig ko habang nag k-kwento. Halos mamatay naman ito sa katatawa ng malaman niyang na pagtripan ako dahil mali 'yung room na sinabi niya. Sa inis ko ay binatukan ko ito. "Aray! Ba't ba nanakit ka?" Angil niya. "Badtrip ka kasi, kasalanan mo kung bakit nila ako na pagtripan. Tsk." Singhal ko. "Malay ko bang hindi mo papansinin 'yung huli kong text sayo. Kung alam ko lang e 'di sana hinintay na lang kita sa gate para sabay tayong pumasok." sinserong aniya, "I'm sorry, Reign. Dahil sa'kin na pagtripan ka nila, sorry." nakangusong dagdag niya. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko napigilang ngumiti nang bigla itong yumakap sa'kin. "Madaya ka talaga, tsk. Alam na alam mo kung paano pagagaanin ang loob ko." naiinis kunwaring sabi ko. Natawa lang ito sa'kin. "Pero teka, paano mo sila nakilala?" maya maya'y tanong ko. Humiwalay naman ito sa yakap ko saka tumingin sa'kin. "Huh? Sino?" balik tanong nito. Pinaningkitan ko ito ng mata. "Sino 'yung tatlong 'yun? At bakit gano'n kayo mag usap ni Yno?" direktang tanong ko. "Wala 'yon, hayaan mo na." "Dali na, parang may something between you and Yno 'e." pinaningkitan ko s'ya ng mata. I met Zylene in senior high, that's why may mga bagay na hindi pa ako alam sa kan'ya na basically ay hindi niya kinekwento at wala siyang balak ikwento sa'kin. Napabuntong hininga ito saka nag iwas ng tingin. "Do you really want to know them?" tanong nito. "Not them, but Yno." asar ko habang nataas taas ang kilay ko. "Tsk, stop. Papakilala ko sila sayong lahat, para alam mo kung sino ang mabait at hindi, para hindi ka maloko, like me." natawa ako sa sinabi niya. Ganda na mayaman pa, niloko pa rin? Tumango lang ako bilang sagot. "Okay, then. Hold this," aniya matapos ibigay ang picture sa akin. Nangunot ang noo ko ng makita kong limang tao ang nandoon. Isa na do'n si Zack, Yno at Derick, pero 'yung dalawa ay hindi ko kilala. Agad akong nag angat ng tingin kay Zylene para sana itanong kung sino ang dalawang iyon pero hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko ay nagawa niya na agad itong takpan. "'Wag ka nang magtanong, ipapakiala ko naman sila lahat sayo," sabi nito habang nakataas ang dalawa kilay. "Fine," sagot ko matapos tanggalin ang kamay niya sa bibig ko. "Ang baho ng kamay mo, ano bang hinawakan mo?" "Nag cr nga pala ako kanina, nakalimutan kong magsabon," natatawang tugon niya. "Kadiri ka!" agad kong hinugasan ang bibig ko saka ako nagpa umunang lumabas ng washroom. "Hoy! Hintayin mo 'ko, joke lang 'yun!" Paghabol nito. Wala pang teacher ng makarating kami sa room. Kakaunti pa din ang estudyante doon kaya sinimulan na ni Zylene ang pagpapakilala sa limang taong nasa picture. "Umpisahan natin kay Lanz Killian Ashford—" itinuro nito ang isang lalaking nasa dulo sa kaliwa. "Siya ang pinakamatino sa kanilang lima. Balita ko, no girlfriend since birth siya. Puro pag aaral, family at friends lang kasi ang pinaglalaanan niya ng oras." "Wala man lang ba siyang nagugustuhan?" puno ng kuryosidad kong tanong. Umiling ito. "Ang alam ko, wala. Mailap daw kasi sa babae." nakangiwing aniya. "Next, Ethan Vladimir Diaz—" sunod nitong itinuro ang nasa kabilang dulo sa larawan. "Siya ang pinakatahimik sa grupo. May pagka-misteryoso ang pagkatao niya kaya hindi ko siya ganoon ka kilala. Madalas si Lanz ang kasama niya, madalas kasi silang magkasundo." "Hmm.. next, si Derick Wilson Yu—" itinuro nito ang katabi ni Ethan sa larawan. "Certified womanizer. Wala siyang alam kun'di ang magpaiyak ng babae. Mahal ka niya depende sa pakinabang mo." "Wala man lang bang sineryoso 'to?" Kunot noong tanong ko. "Wala." matipid nitong tugon. Napangiwi ako dahil doon. "Next, Yno Zacharius Patterson—" sunod nitong itinuro ang katabi ni Lanz sa larawan. "isang babaero, cheater, manloloko, sinungaling, sinungaling, sinunga—" natigilan ito ng hindi ko napigilan matawa. "Sis yung cheater at manloloko, iisa lang naman 'yun 'di ba?" pang aasar ko. Inismiran lang ako nito saka kinuha ang picture na binigay niya sa'kin. Huli nitong itinuro ang nasa gitna. "And last, si Zack Helton Adamson. Hmm, as far as I remember, takot s'ya sa commitment puro flirt." kibit balikat nitong sabi. Kala ko marami siyang masasabi kay Zack, Interesting pa naman siya. Napatango na lang ako habang iniintindi ang mga sinabi nito. Pakiramdam ko ay sanay na sanay ang mga itong makipag laro kaya alam kong mahihirapan akong makipag sabayan sa kanila. Hindi ko rin maitatanggi na si Zack ang pinakamalakas ang dating sa kanilang lima. Zack Helton Adamson.. "Wait, kapatid mo si Zack?" hindi makapaniwalang tanong ko. To be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD