Chapter 3

1456 Words
Chapter 3 Reign POV Inis kong pinatay ang alarm na nasa side table ko, pakiramdam ko kasi ay wala akong tulog dahil sa kaiisip kay Zylene at Zack. Paanong hindi ko man lang napansin ang pagkakahawig nila? Naihilamos ko na lang sa mukha ko ang kamay ko ng maisip na masyado akong na focus sa kagwapuhan ni Zack. Ganon na lang ang pagkadismaya ko sa sarili ko dahil alam ko sa sarili ko na attracted ako sa kaniya. Alam kong hanggang doon lang 'yun, at wala ng dahilan para lumalim pa iyon. Agad akong naligo at nag ayos bago ako bumaba. Naabutan kong mag isang kumakain si Rayleigh sa lamesa, kaya naman agad ko rin itong nilapitan. "Good morning, Ray." nakangiti bati ko saka ito hinalikan sa noo. Ngumiti naman ito sa akin at bumati rin. "Where's kuya Rhyden?" tanong ko sa katulong na nakatayo at nagbabantay kay Rayleigh, habang sumasandok ng kanin na nasa harap ko. "Ah ma'am, maaga pong umalis si sir. Rhyden, susunduin daw po sina ma'am Stacey at si sir. Ramuel. Kanina pa po siya umalis, siguro ay pabalik na rin siya kasama sina ma'am at sir." aniya. Agad akong natigilan sa pag sandok. Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa narinig ko kaya uminom na lang ako ng tubig at nagpaalam kay Rayleigh. "Manang, mauna na ko pa school. I'm getting late na pala, paki asikaso na lang si Rayleigh, baka ma late siya for school." bilin ko kase tumayo at bumeso kay Rayleigh. "You're not gonna eat na?" malungkot na aniya. Na konsensya naman agad ako dahil doon pero hindi iyon sapat para mapilit akong manatili at kumain pa. "Bawi na lang ako sa'yo, next time, okay?" mahinahon, nakangiti kong sabi sa kanya. Pilit naman itong ngumiti saka tumango sa akin. "I'm gonna go, baby. Ingat pa school, okay?" bilin ko. "Okay ate, thank you." nakangiting sagot niya. Kinawayan ko pa ito bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga na lamang ako nang makasakay ako sa kotse. Hindi kasi kami magkasundo ng daddy ko. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang pagtataksil niya kay mommy, 13 years ago. Yes, that was a long year ago but the pain was still there. Nagbunga kasi ang pagtataksil niya kay mommy, at 'yun ay si Rayleigh. Pinili ni mom na kalimutan ang lahat at kupkupin na lang si Rayleigh para hindi malayo at masira ang pamilya namin. Well, how could I forget the betrayal he did a year ago? I really hate him. Nang makalabas ng gate ay nakita ko ang kotse ni kuya. Ganon na lang ang lungkot na naramdaman ko ng makita ko ang saya sa mga mata ni mommy habang nagbibiruan silang tatlo nina kuya Rhy at daddy. Well, that was genuine.. I don't think that was because of dad. Mapait akong ngumiti ng maisip iyon. Pakiramdam ko ay ang selfish ko para malungkot sa kasiyahan ng sarili kong ina. Agad kong pinunasan ang luha na pumapatak sa mga pisngi ko. "I'm sorry, mom, pero hindi ko talaga kayang patawarin siya." I'm sorry.. Muli ko silang pinagmasdan uli at sinundan ng tingin hanggang makapasok sila sa loob ng bahay. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Rayleigh ng salubungin nito sina mom and dad. Napangiti ako dahil doon, napaka inosente niyang bata. Wala ako sa sarili habang nagmamanahe papunta ng school, ni hindi ko nga alam kung paano pa ko nakarating ng buhay. Basta ang alam ko ay wala ako sa mood ngayon para sa lahat ng bagay. Nang makababa ng kotse ay agad akong naglakad patungo sa hallway ng school. "Good morning, Miss Vallega!" "Ay kabayo!" napasigaw ako sa gulat ng biglang sumulpot si Zack mula sa likod ko. Inis ko itong inalisan ng tingin saka umalis na parang walang nangyari at wala akong nakita. Tss. Wala akong oras para pansinin pa siya, wala ako sa mood para makipag gag*han sa kaniya. "Ay ang sungit," bulong niya. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko pero talagang papansin ang isang ito at hinarangan ako. "Ano ba, Zack?! Pwede bang tigilan mo 'ko? Wala akong time para makipag lokohan sa'yo." singhal ko. Inis ko itong tinabig saka mabilis na lumakad paalis. "Good morning—" hindi pa man tapos si Zylene sa sasabihin niya ay pinasakan ko na agad ng tissue ang bibig niya. "Iww, sa'n mo 'to ginamit?!" inis niyang tanong sa akin habang hawak hawak ang tissue na kanina lang ay nasa bibig niya. Hindi ako umimik pero ginamit ko iyon sa ilong ko, umiyak ako kanina e kaya umiyak rin yung ilong ko, tss. Nang walang makuhang sagot sa akin ay agad ako nitong nilapitan, "anong nangyari sa'yo? Pinagtripan ka na naman ba nila?! Sabihin mo sa'kin, sino?! Sino ha?! Si—" "Manahimik ka na nga, napaka oa mo talaga!" inis kong singhal sa kanya. Natigilan naman ito saka ngumuso. "Ano nga kasing nangyari?" nag aalalang tanong nito saka lumapit sa akin. Bumuntong hininga ako saka sumagot. "It was dad," walang ganang sagot ko. Kita kong nagulat siya. Alam niya kasi ang issue ko kay dad, kung tutuusin ay ako na lang naman ang problema. I know my dad changed, pero ewan ko ba. Hindi ko lang talaga siguro kaya. "Umuwi na?" tumango na lang ako. Agad s'yang yumakap sa akin. "Reign, I know how hard it is na patawarin ang daddy mo, pero maybe it's time na para bigyan siya ng chance?" aniya habang nakayakap sa'kin. Hindi ko napigilan ang matawa ng nagsimula na namang mag unahan ang luha sa pisngi ko. "Stop crying, hindi naman kita pinipilit kung hindi mo pa talaga kaya, I just want you to free yourself from hatred, you know." "I know, it's.. it's just that, ang hirap lang talaga kalimutan lalo na't nadyan si Rayleigh. I never treated her na parang iba siya, I love her bilang kapatid ko, buo. P-pero hindi naman no'n maaalis 'yung katotohanan na bunga siya ng pagtataksil ni dad kay mom, 'diba?" hindi ko na napigilan ang maiyak ng sabihin ko iyon. "Don't worry, naiintindihan kita." aniya saka marahang tinapik tapik ang likod ko. Mabuti na lang at maaga pa kaya naiiyak ko pa at nailabas ang lahat ng sakit na nararamdam ko bago dumating si sir. chua. Buong klase ay nakatingin lang ako sa notebook na nasa harapan ko, nakikinig ako sa discussion ni sir pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi sa'kin ni Zylene. Tama na siya, its time para palayain ko na ang sarili ko sa galit ko kay dad. Sapat na siguro na nakita ko at nalaman ko na masaya si mommy sa naging desisyon niya, at sana'y hindi iyon muling masira pa. "Sir, may I go out? I need to use the bathroom" tanong ko kay sir ng matapos ang discussion niya. Malamang sa malamang ay pagpapa recitation ito, at wala akong maisasagot sa kaniya dahil wala naman akong naintindihan sa mga sinabi niya. "You may," aniya. "Thank you, excuse me." Agad akong naglakad palabas. Hindi naman talaga ako pupunta ng bathroom, gusto ko lang tumakas sa recitation. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, bahala na. Sa tagal kong naglalakad ay nakarating ako sa hallway ng music room. Balak kong doon na lang sana magpalipas ng oras. "When the light disappears, and when this world's insincere." natigilan ako ng marinig ko ang paborito kong kanta. Nang gagaling iyon sa loob ng music room. "You'll be safe here, when nobody hears you scream I'll scream with you, you'll be safe here," ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko, mayroong parte sa puso ko na gustong buksan ang pinto ng music room at alamin kung sino ang kumakanta pero mayroon rin parte sa akin na natatakot na makita kung sino nga ba iyon. "Oh look who's here," agad kong nilingon kung sino ang nagsalita. Nang makitang si Derick iyon ay agad ko itong sinamaan ng tingin. Ano ba 'yan, panira naman. "Ginagawa mo dito? Cutting ka 'no?" sabat ni Yno. Agad hinanap ng paningin ko si Zack, ng makitang wala ito ay pasimple akong napatawa sa sarili ko. Bat ko hinahanap 'yon? "Himala, wala ata ang leader niyo?" puno ng sarkasmong tanong ko. Nagkatinginan naman ang dalawa tsaka sabay na natawa. Tss, mga baliw. "Bakit? Miss mo na?" balik tanong ni Yno. Gusto kong mandiri sa sinabi niya. "Kadiri ka!" singhal ko saka nagsimulang maglakad paalis. "Miss. Vallega!" para akong na statwa sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. Zack.. To be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD