3

3038 Words
Naghahanda si Emir sa paglusob nang may isang balita sa communications nila ang nagpatigil sa kanya.  "Sir, may kaguluhan sa Guadalupe!" anang operator.  "Ipakita nyo," utos ni Emir. Pinakita sa screen na nagtatakbuhan ang mga Greems sa Guadalupe. May mga nasusunog na mga tao at lindol na yumanig dito.   "May umaatake sa pwersa ng Greem sa Guadalupe, Sir," anang operator.   Nakita sa video sa screen ang takot na takot na kalaban na sumusubok tumakas. Napansin din ni Emir ang apoy ni Yuri.  "Si Yuri! Aalis ako kayo na muna bahala," nabahalang bilin ni Emir na naglaho  Lumitaw sya sa pwesto ni Ricky sa Guadalupe.   "Kamahalan, anong ginawa mo?" tanong ni Emir na naliligalig.   "Tapos na," sambit ni Ricky na pasuray-suray sa panghihina.   Isang grupo ng Greems ang lumusob kay Ricky pero bago pa man sila makalapit ay unti-unti silang nasunog. Natumba si Ricky.   "Prinsipe Ethan tama na! Itigil mo na," pakiusap ni Emir na inalalayan si Ricky.   "Salamat, Kuya," ani Ricky na humawak sa balikat ni Emir. "Magpahinga ka na. Nabawi mo na ang Guadalupe," lahad ni Emir, "Tayo na."   Muling naglaho si Emir kasama si Ricky pabalik sa HQ. Kaagad namang inalalayan ni Alexi si Ricky.  "Ipahatid mo sa kwarto nya si Prinsipe Ethan. Hayaan nyo muna syang magpahinga," atas ni Emir.  Pinaalalayan ni Alexi kay Steve at pinahatid sa kwarto nito. "Anong nangyari?" tanong ni Alexi.   "Binawi nya ang Guadalupe ginamit nya ang Seeking song at earthquake nang sabay," seryosong ni Emir.  "Mabuti at kinaya pa nyang manatiling gising matapos ang ginawa nya. Ginamit pa rin nya ang kapangyarihan nya kanina sa Reem at sa pagbuwag ng opensiba patungo sa Sentro," gulat na wika ni Alexi.  "Halos hindi na nga sya makatayo kanina," sabi ni Emir.   "Masyado nang malakas ang kapangyarihang ginamit nya," nag-aalalang sinabi ni Alexi.  "At nag-aadjust pa lang ang katawan nya. Matagal-tagal din nang huli nyang magamit ang ganyang lakas," dugtong ni Emir.   Sa kwarto ni Ricky, nagising ito at kaagad nagtungo sa banyo para sumuka.  Paglabas nito sa banyo ay naroon sa kwarto si Jessie.   "Jaja, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ricky.   "Ayos ka lang, Kuya?" dama sa tinig ni Jessie ang pag-aalala.   "Ayos lang. Naninibago lang. Kamusta na si Papa?" tanong ni Ricky.   "Maayos na sya. Nagising na sya. Hinahanap ka nya," balita ni Jessie.   "Halika. Puntahan natin sya," tayo ni Ricky kahit lambot na lambot sya.   Nawalan ng balanse si Ricky kaagad namang nakaalalay si Jaja.   "Salamat," ani Ricky na ngumiti.   Nagtungo sila sa kwarto ng mga magulang nya. Nakaupo na rin ang hari sa higaan nya. Pumasok noon sina Jude at Niño sa kwarto ng ama at kaagad din itong niyakap.   "Papa, mabuti at maayos ka na," ani Niño.  "Papa!" ani Ricky na nilapitan ang ama at kaagad niyakap.   "Ethan!" anang hari.   "Pinag-alala mo kami. Kamusta po pakiramdam nyo?" tanong ni Ricky.   "Maayos na. Pinag-alala mo ko nang maramdaman kong ginamit mo ang Seeking Song. Alam mo naman na hindi mo pa kayang gamitin ang Seeking Song," anang hari.  "Ayos lang ako, papa. Magpapaalam din po ako na susugod kami sa Greemlandia. Tatapusin ko na po lahat," wika ni Ricky.   "Kamusta pakiramdam mo, Kuya?" tanong ni Jude.   "Maayos na naman. Kamusta ang sitwasyon?" tanong ni Ricky.   "Tuluyan nang nabawi ang Guadalupe. Umatras ang mga kalaban sa Greemlandia," tugon ni Niño.   "Ang Reem naman ay nabawi na rin hanggang sa hangganan. Umatras nang tuluyan ang mga Greem sa kaharian nila. Malamang maghahanda muli sa pagsalakay," dugtong ni Jude.   "Hindi na natin paaabutin sa muling pagsalakay nila. Pakisabi kay Kuya Emir na sasalakay tayo sa Greem. Tatapusin na natin," deklara ni Ricky.   "Mapanganib 'yun Ethan. Lalo na sa'yo bilang guardian ng Phoenix. Maraming death stones doon. Hindi ko kayo papayagang umalis baka mawala na naman kayo sa amin," anang reyna.   "Kung para sa kinabukasan ni Jessie at ng mga batang LeVallian, gugustuhin kong mawala ako na ipinagtatanggol ang kinabukasan nila kesa mabuhay na nasakop ng mga Greems," pahayag ni Ricky.  "Alam ko, Ethan. Pero hindi ko kakayanin na mawala ka ulit," anang reyna.   Umupo si Ricky sa tabi ng reyna at niyakap ito.  "Masyado nang maraming nasaktan Mama," sang-ayon ni Jude.   "Binubuwis ng mga sundalong Vallian ang buhay nila para sa mga batang tulad ni Jessie, mga anak, kapatid, kaibigan at mahal nila sa buhay, Mama. At iyan din ang gagawin ko. Tama na ang dami nang mga inosenteng buhay na dinamay nila. Aalis po ako kahit hindi kayo pumayag. Nais ko na pong tapusin ang labanan na ito kaya sana basbasan nyo ang pag-alis ko, Mama," katwiran ni Ricky   Tumitig si Ricky sa mata nang ina saka tumitig na nagsusumamo sa hari. Saglit natahimik ang lahat.  "Parang pinapipili mo ako, Ethan. Nangingibabaw ang pagiging ama ko kesa nakararami pero tungkulin ng Guardians pangalagaan ang LeValle. Sa inyo nakasalalay ang LeValle. Nawa'y gabayan kayo ng Bathala," anang hari.  "Salamat Papa," sabi ni Ricky.   "Alam kong tungkulin mong pangalagaan ang LeValle labag man sa loob ko pero binibigay ko ang aking basbas sa inyo. Isang pangako lang ang hihilingin ko. Pangangalagaan mo ang sarili mo at mga kapatid mo. Hindi mo hahayaang may mangyari sa kanila," anang reyna.  Lumuhod si Ricky sa harap ng ina.   "Masusunod po Kamahalan!" tugon ni Ricky na nakayuko.   "At kayong dalawa pangalagaan nyo ang isa't-isa pati na ang Kuya nyo," anang reyna. "Masusunod po Kamahalan," anang kambal.  Niyakap ng reyna ang magkakapatid. Paglabas ng kwarto ng hari ni Ricky at nang kambal ay kaagad itong nilapitan ni Emir.   "Nais ko po sana kayong makausap, Prinsipe Ethan," seryosong wika ni Emir.   "Sa kwarto ko po tayo, Kuya," ani Ricky. Sumunod si Emir kay Ricky.   "Ano iyon, Kuya?" tanong ni Ricky.   "Masyadong padalos-dalos ang inyong desisyon. Ricky, alam kong nasasawa ka na sa digmaan pero masyadong mapanganib ang pasya mo. Pag-isipan mo munang mabuti," apila ni Emir.   "Napagpasyahan ko na Kuya. Buo na ang aking pasya," desididong ni Ricky na tumitig kay Emir, "Masyado nang maraming nadadamay, Kuya. Buhay na nasasayang." "Tama nga si Ren. Nagbago ka na nga. Binago ka na nang pagkawala ni Lady Alyssa," malungkot na wika ni Emir na napailing.  "Ano pong ibig nyong sabihin? Paano napasama si Lady Alyssa dito?" tanong ni Ricky na nagulat sa tinuran ni Emir.    "Simula nang mamatay si Lady Alyssa ay naging mapusok ang mga pasya at kilos mo. Pilit mo pa ring tinatago ang sakit. Kinikimkim ang lahat nang nararamdaman mo," hayag ni Emir.   "Hindi totoo 'yan," tanggi ni Ricky.   "Bawiin mo ang pasyang lumusob sa Greem. Pagpapatiwakal ang gusto mong gawin," wika ni Emir.  "Wala akong balak gawin iyon, Kuya," tugon ni Ricky.  "Kung ganoon ay pagbigyan nyo na lang ako sa isang pagsubok. Gaya nang dati," hamon ni Emir.   "Kuya bakit?" usisa ni Ricky.   "Nais kong mapatunayan kung may nagbago nga sa loob ng isang taon? Hindi mo ba mapagbibigyan ang hiling ng dating tagapagsanay mo?" hamon ni Emir.   Saglit nag-isip si Ricky bago tuluyang pumayag.   "Yuna!" tawag ni Emir. Lumabas si Yuna sa anyong middle aged na lalaki na nakasuot ng Vallian uniform.  "Pinatawag mo ako, Master Emir?" tanong ng sundalo.   "Yuna, ilabas mo ang Cryssa Flower ngayon na!" utos ni Emir.   "Pero, Master!" angal ni Yuna.   "Pakiusap. Magtiwala ka," pakiusap ni Emir na tumango sa sundalo.   "Masusunod, Master!" ani Yuna na naunawaan ang ibig sabihin. Nilabas ni Yuna ang Cryssa Flower na nilapag nya sa side table sa may kwarto.  "Ang Fear Flower," sambit ni Ricky.   "Naaalala mo pa pala. Kung totoo ang sinasabi mo at nang puso mo, hindi mo mararamdaman ang kamandag ng bulaklak na ito," hamon ni Emir.   Hinawakan ni Ricky ang bulaklak at natusok ng tinik nito. Kaagad nyang naramdaman ang kamandag nito.  Pumasok ang kambal sa kwarto ni Ricky. Nakita nila ang kuya nila na nakaupo sa sahig sa isang sulok nakayuko sa dalawang braso nya.   "Kuya!" tawag ni Niño na lalapit.   "Lumayo ka!" sigaw ni Ricky.   Nagulat si Niño at tumigil sa kinatatayuan. "Kuya," wika ni Niño na sumubok muli lumapit. "Huwag! Huwag kang lalapit!" wika ni Ricky.   "Hayaan mo lang muna sya Niño. Baka masaktan ka, Niño," wika ni Emir na pinigilan si Niño.   "Kuya Emir anong nangyari kay Kuya?" usisa ni Niño na nag-aalala.   Napansin ni Jude na may katabi na Cryssa Flower si Ricky.   "Ang Fear Flower!" bulalas ni Jude. "Fear Flower?" tanong ni Niño kay Jude.   "Isang napakaganda pero napakakamandag na bulaklak. Ginagamit dati sa Vallian para paaminin ang kalaban. Kapag natinik ka kasi nito, magha- hallucinate ka. Ipapakita nito ang mga bagay na kinatatakutan mo. Ginagamit din itong truth serum. Isa pang epekto ng lason ay ilalabas nito lahat ng nararamdaman ng taong natinik nito. Ginamit na kay Kuya Ricky nyo noong sinasanay sya," paliwanag ni Jude, "Pero Kuya, mapanganib po iyan." gulat na sinabi nya kay Emir.   "Isang pagsubok, Jude. Hanggang hindi sya magiging totoo sa sarili nya, hindi lilipas ang sakit na mararamdaman nya. Wala syang mabuting magagawa sa LeValle hanggang hindi sya nakakapag-isip nang matuwid," katwiran ni Emir na pinulot ang bulaklak na biglang naglaho.   Samantala sa isip ni Ricky, nakikita nyang may dalawang kakaibang halimaw na nagtangkang lumapit sa kanya. Bigla itong tumigil na tila kinakausap ng isa pang halimaw. Makaraan ang ilang sandali nakita nyang naghihintay ito sa kanyang gumalaw. Tumunog ang cellphone ni Emir. "Hinahanap ako ng inyong ama. Maaari bang bantayan nyo ang inyong Kuya pansamantala habang hindi wala pa sya sa sarili nya? Huwag nyo syang hahayaang makalabas dito. Baka may mangyari sa kanya. Babalik din kaagad ako," pakiusap ni Emir.   "Sige po," ani Niño. Lumabas si Emir sa kwarto ni Ricky.  Dumaan ang ilang minuto, tumayo si Niño sa kinauupuan nya.   "Banyo lang ako saglit," wika ni Niño.   "Sige," ani Jude.   Pagbalik ni Niño ay nagulat sya nang makita nyang pabangon si Jude at bukas ang bintana nang kwarto ni Ricky. Hawak ni Jude ang gilid ng ulo nya na may bahid ng dugo.   "Ang Kuya!" mahinang wika ni Jude.   "Anong nangyari, Budz? Ayos ka lang?" tanong ni Niño na inalalayan sa upuan si Jude.   Kaagad nyang nilabas ang panyo nya at inilapat sa gilid ng ulo ni Jude na dumudugo. Pumasok noon si Emir na nagulat at kaagad nilapitan ang dalawa.   "Anong nangyari?" tanong ni Emir.   "Si Kuya. Tumakas si Kuya. Pinigilan ko sya pero naunahan nya ako," mahinang wika ni Jude.   "Ipatawag mo si Sandy!" utos ni Emir sa isa sa mga security ni Niño.  "Tinawagan ko na po sina Kuya Drew, Kuya Tommy at Kuya Steve, hinahanap na po sya," banggit ni Niño.  "Sasama ako," prisinta ni Jude.  "Patingnan mo muna 'yang sugat mo, Budz," ani Niño.   "Daplis lang 'to," balewala ni Jude.   "Mauna na ako. Sumunod ka na lang Budz," wika ni Niño.   "Sige. Mag-ingat ka," bilin ni Jude. Naglaho si Niño.  Sinubukan ni Jude na tumayo ng maayos.   "Hayaan mo munang matingnan ni Sandy ang tama mo," payo ni Emir. Dumating si Sandy na kaagad nirelyubuhan si Emir sa pagpapaampat ng dugo ni Jude.   "Daplis lang ito. Kamusta na pakiramdam mo? Galing sa throwing dart ni Ricky ito ah!" sabi ni Sandy.  "Ayos lang po ako. Buti na lang daplis lang at hindi nagkakarga si Kuya ng lason sa throwing darts nya kung hindi, nayari nya ako," ani Jude pabiro.  "Kailangan makita si Prinsipe Ethan. Baka kung anong mangyari sa kanya. Mapanganib ang Cryssa sa labas," seryosong sambit ni Emir.  "Magkakaroon sya nang temporary disorientation," wika ni Sandy.   Samantala, lumitaw si Ricky sa isang commercial area sa silangan ng LeValle. Kasagsagan ng pagkaabala ng lugar. Maraming tao sa lugar na nagtutungo sa bawat direksyon. Nakaramdam ng hilo si Ricky kaya lalo syang naguluhan. Naglaho muli sya at lumitaw sa isang sementeryo. Doon sya nawalan ng malay. Nagising sya sa ilalim ng isang puno.   "Mabuti naman at nagising ka na." anang batang babae na nakangiti sa kanya.   "Sino ka?" gulat na tanong ni Ricky.  "Marge po ang pangalan ko. Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" tanong ng batang babae na sumimangot.   "Maraming salamat," wika ni Ricky, "Pero nasaan ako?"   "Narito ka sa sementeryo. Nakita kita malapit sa puntod na puno ng sunflower. Anong ginagawa mo rito?" anang babae.   "Hindi ko maalala. Pasensya na hindi ko matandaan," ani Ricky na naguluhan sa sarili. "Hindi mo maalala? Pero bakit ka nagpunta rito?" tanong ng batang babae.   "Hindi ko alam. Dinala lang ako rito nang paa ko. Kahit ako hindi ko maintindihan," sagot ni Ricky.   "Bakit hindi mo alamin? Puntahan mo 'yung puntod?" tanong nang batang babae.  "Gagawin ko 'yan. Salamat," wika ni Ricky.   "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng bata na tila nag-aalala.  "Oo," tugon ni Ricky.  "Tara na!" anang bata na hinatak si Ricky.  "Saan tayo pupunta?" tanong ni Ricky na tumayo.  Humawak sya sa puno para alalayan ang sarili sa pagtayo dahil nakaramdam sya ng saglit na hilo.   "Sa puntod na pupuntahan mo. Gusto kong makita kung kanino 'yun," anang bata.   Naunang nakarating ang bata sa punto.   "Puntod pala ng isang dalaga. Alyssa po ang name nya iyon ang sa lapida," anang bata.   "Alyssa," ulit ni Ricky ng pangalan.   Napahawak sya sa noo nya dahil biglang sumakit ang ulo nya.   "Ayos ka lang? Kilala mo ba sya?" tanong ng batang nag-alala.  "Medyo nahilo lang. Pamilyar ang pangalan nya," wika ni Ricky.   Hinawakan ni Ricky ang mga bulaklak na nakatubo sa puntod ni Alyssa. May mga flashes ng alaala na biglang pumasok sa isip nya. Nakita nya ang isang dalaga na tinatawag sya at nakangiti. Ang parehong dalaga na naka-long gown at napakaganda. Ang dalaga ring iyon na may sakit at nakahiga sa ospital. Hindi nya napansin na napaupo sya.   "Kuya?" tanong ng bata.   Nahimasmasan sya at na-realize nya na nakaupo na sya sa tabi ng lapida ng puntod.   "Ayos ka lang?" usisa ni Marge.   "Nalia," sambit ni Ricky.   "Kakilala mo po kung sino sya?" tanong ng bata.   "Hindi ko sya matandaan," wika ni Ricky na marahang umiling.   "Aalis muna ako, Kuya," anang bata. "Saan ka pupunta?" tanong ni Ricky.   "May bibisitahin po ako," anang bata umalis.   "Samahan na kita," ani Ricky na sumunod sa bata.   Nawala ang bata sa paningin nya kaya hinanap nya ito. Nakita nya ito sa sulok ng sementeryo nakaupo sa pagitan ng dalawang puntod.   "Ma, Pa, andito na ulit ako," anang bata.   "Mga magulang mo?" tanong ni Ricky . Napansin ni Ricky na sariwa pa ang lupa na nakatabon sa dalawang puntod. "Mama ko po at papa ko," anang bata.   "Anong nangyari sa kanila?" tanong ni Ricky.  "Namatay sila sa digmaan. Sinunog sila sa bahay ampunan habang nililigtas ang ibang bata," anang bata na tumayo.   "Nito lang nangyari 'yun. Hindi ka ba nalulungkot?" ani Ricky.   Umiling ang bata.   "Tanggap ko na po. Nalulungkot pa rin pero ipinagmamalaki ko nga po sila. Nakakatuwa po kasi na marami silang nailigtas na bata noon. Isa po ako sa niligtas ni Papa. Sinamang palad lang na hindi nila naligtas lahat pati sarili nila," anang bata.   "Marge, bakit hindi ka ata nalulungkot?" tanong ni Ricky.  "Buong buhay ko po nakasama ko sila. Wala naman po kasing mangyayari kung magmumukmok ako o magagalit sa kanila. Gustuhin ko man magalit sa sarili ko pero hindi po maari kasi wala naman po kasing silbi. Mahaba po buhay para sayangin. Sabi ni papa, kung mahal mo isang tao, you learn to live and forgive," paliwanag ni Marge. "Ilang taon ka na ba? Parang mas matanda ka sa akin kung magsalita ka," ani Ricky na napangiti.  Nakaramdam muli ng kirot sa ulo kasabay ang kaunting hilo si Ricky. Bumalik ang alaala nya. Napatukod sya sa isang lapida.  "Balikan po natin ang libingan ni Miss Alyssa. Baka may matandaan ka na kung babalikan natin sya," ani Marge.   "Mabuti pa nga," ani Ricky.  Nang makalapit sila sa libingan ay napatigil si Ricky dahil sa sobrang hilo.   "Ayos ka lang talaga, Kuya? Parang may sakit ka?" tanong ni Marge na nag-aalala.   "Wala ito medyo hilo lang," tugon ni Ricky.   "Magpahinga ka muna. Namumutla ka na naman," anang batang babae na nag-aalala.  Inalalayan sya ng bata patungo sa isang malapit na puno at doon ay naupo.   "Hindi na maganda ang hitsura mo Kuya. Dito ka muna. Tatawag po ako ng tulong. Huwag po kayong aalis dito," anang bata na nababahala.   Tumango si Ricky na pumikit. Makaraan ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Marge.   "Marge! Marge!" tawag ni Ricky.   Pinilit nyang tumayo kahit sobrang sakit ng ulo nya at umiikot ang paligid nya. Natumba si Ricky at nawalan muli ng malay. Nagising sya sa tawag ng kanyang pangalan.   "Ric! Ricky gising!" tawag ni Drew.   "Drew," mahinang wika ni Ricky na humawak sa noo nya.   "Huwag ka munang gumalaw, Kamahalan," sabi ni Drew na pinigilan si Ricky.   "Nasaan tayo?" tanong ni Ricky.   "Rose Cementery. Sabi na nga ba na dito ka namin makikita, ," tugon ni Drew na sinusuri sya.   "Natagpuan ko na sya, Rose Cementery." wika ni Drew sa receiver ng radyo nya.  "Anong nangyari?" tanong ni Ricky.   "Hindi mo ba naalala?" takang wika ni Drew.   Umiling si Ricky.   "Ang naaalala ko lang 'yung pagsubok ni Kuya Emir," wika ni Ricky na pilit tumayo.  Napahawak sya sa dibdib nya dahil pakiramdam nya ay pinipiga ito.   "Huwag ka na munang gumalaw. Baka lalong kumalat ang lason ng Cryssa," ani Drew "Ang bata! Si Marge?" usisa ni Ricky.   "Marge?" tanong ni Drew na nagulat.   "Batang babae. May kasama akong batang babae," banggit ni Ricky na lumingon sa paligid.   "Walang tao sa paligid, Ric. Mag-isa ka lang ng makita ka namin ng caretaker dito. Wala kang malay. Kagabi ka pa namin hinahanap." kwento ni Drew na nagtaka.   Dumating si Emir doon.   "Kuya Emir," ani Ricky.   "Kailangan mo nang bumalik Prinsipe Ethan," wika ni Emir.   "May kailangan lang akong gawin saglit," sabi ni Ricky na lumapit sa puntod ni Alyssa.   "I'm sorry, Aly for being selfish. Pasensya na kung hindi kita mapakawalan. Ngayon ko na-realize na tama ka, I need to let you go. You know how much I loved you, thank you for the memories," wika ni Ricky na naninikip na ang dibdib,  "Pasensya na po, Kuya Emir kung lahat kayo apektado," na tuluyang natumba.   "Ric!" sigaw ni Emir.   Biglang may nahulog na tinik mula sa kaliwang kamay ni Ricky. Nasalo sya ni Emir na kaagad kinuhanan ng pulso si Ricky.   "Maayos na sya. He just need to rest. Ibalik na natin sya sa palasyo," wika ni Emir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD