Kinabukasan, maagang pinuntahan ni Joey sa kwarto si Ricky pero wala ito sa kwarto. Kaagad nyang hinanap si Ricky kaya tinanong nya sina Tony at Mike na nakasalubong nya. "Tony, nakita mo si Ethan?" tanong ni Joey. "Hindi, Abuel," ani Tony na umiling. "Wala ba sya sa kwarto nya?" tanong ni Mike. Umiling si Joey na nag-aalala. "Teka, titingnan ko," wika ni Tony na humawak sa kaliwang tainga nya. "Huwag kang mag-alala, hindi sya aalis. Nagbitaw sya ng pangako sa'yo," winika ni Mike. "Ok. Salamat," ani Tony sa radyo, "Nakita si Prinsipe Ethan sa open practice area." "Anong ginagawa nya doon? Dapat nagpapahinga pa sya," nababahalang wika ni Mike. Pinuntahan nila ang practice area. Naglalaban sina Ricky, isang Huntre at isang REU, si Battleaxe sa sparring. Dalawa laban sa isa ang laban

