45

2508 Words

Oras ng hapunan hindi bumaba si Joey para kumain kaya nalungkot si Ricky. Kinagabihan kumatok si AJ sa kwarto ni Joey. "Iwan nyo ako. Gusto kong magpahinga," sabi ni Joey. Pumasok si AJ sa silid ni Joey. "Nais kong mapag-isa," ulit ni Joey. "Pati ba ako ay palalabasin mo?" patampong tanong ni AJ sa kapatid "Kuya. Pasensya na. Akala ko po kayo si Tony," wika ni Joey na pinahid ang luha ng kamay nya. "Bakit nagmumukmok ka rito sa kwarto mo na parang bata?" tanong ni AJ na sinuyo si Joey. "Pasensya na Kuya. Wala lang akong ganang lumabas," wika ni Joey na iniiwas ang tingin kay AJ. "Jocelyn, alam mo naman na hindi mo ako mapagtataguan. Nag-away ba kayo ng Prinsipe ng LeValle?" tanong ni AJ. Hindi kumibo si Joey. "Papupugutan ko na ba sya ng ulo dahil sinaktan nya ang kapatid ko?" ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD