Narinig na lang nila ang dumadaing na sigaw ni Ricky. Napatakbo sina Ren at Drew papasok sa kwarto ni Ricky. Nakita nila na alumpihit at nagpupumiglas sa sakit si Ricky. "Aaahhhh! Ang sakit! Sobrang sakit!" daing ni Ricky. Nakatali ang mga kamay nya sa gilid ng higaan. "Kuya anong nangyari sa kanya? Bakit sya nagkakaganyan?" tanong ni Joey na nabigla sa nakita kay Ricky. "Inatake na naman sya ni Juno gamit ang kapangyarihan nya. Tuwing ginagamit nya ang kapangyarihan nya ay sobrang sakit ang kanyang nararamdaman. Ginamit ni Ricky ang kapangyarihan nya kanina para iligtas ang mga kawal ng LeValle. Sinusubukan sya muling kontrolin ni Juno," kwento ni AJ. "Bakit sya nakatali?" tanong ni Joey na hindi makapaniwala. Awang-awa sya sa kalagayan ng kasintahan. "Kinailangan naming gawin iyan

