Nagising si Niño sa kwarto nya. Ramdam nya ang pagod at ginhawa na nakabalik sya. Hindi na makirot ang kanang braso nya pero ramdam nya ang panlalambot. Dahan-dahan syang umupo sa kama nya. "Whoa! Huwag masyadong magmadali Niño," pigil ni Mike na inalalayang umupo si Niño. "Kuya paano ako nakarating dito?" tanong ni Niño. "Iniuwi ka ng Rescue Team. Mabuti at nagising ka na. Nag-aalala na pamilya mo," wika ni Mike na ngumiti. "Ang Unit! Kamusta na ang Wolves?" naalalang tanong ni Niño na nabahala. "Nasa ospital sila ngayon. Maayos na sila. Na-discharge na 'yung iba maliban kay Ivan at kay Rico. Medyo malala ang bali ng paa ni Rico samantalang medyo maraming dugo ang nawala kay Ivan. Ligtas na sila kaya huwag mo na muna silang alalahanin," sagot ni Mike. "Si Jude?" tanong ni Niño "Nak

