May pumasok na isang sundalo sa tent nila.
"General Emir, Prinsipe Ethan nariyan na po ang grupo nina Crossfire at Battleaxe!" anang sundalo.
"Salamat. Tayo na!" wika ni Ricky.
Lumabas sina Ricky sa tent.
"Paano tayo makakabalik agad? Isang araw na nakalalamang sila sa atin," tanong ni Drew.
"Teleport," sagot ni Ricky.
Naroon ang anim na tao at si General Pietro na nagbibilin.
"Ikaw na muna ang bahala sa mga tao, Alfonso. Dalhin mo sila sa West clearing. Ipapasundo namin kayo kaagad," bilin ni Pietro.
"Opo, General. Nakahanda na rin po silang umalis," ani Alfonso.
"Mag-ingat kayo," ani Pietro.
"Kakayanin nyo po ba ang ganitong kadaming tao?" tanong ni Pietro kay Ricky.
"Yuri!" tawag ni Ricky.
Lumabas si Yuri. Lumipad ito paikot bago lumapag sa braso ni Ricky.
"Masyadong marami tayo para maibalik mo Ricky. Baka hindi mo kayanin ang TDE," nababahalang wika ni Drew.
"Yuri, ibalik mo kami sa Headquarters sa Sentro," utos ni Ricky.
"Opo, Kamahalan," tugon ni Yuri na muling lumipad at naglatag ng kapangyarihan.
Paglitaw nila sa Headquarters ay natumba si Ricky na walang malay. Kaagad naman syang nasalo nina Drew at Emir.
"Kamahalan!" nabahalang wika ni Drew.
"Ipatawag ang manggagamot para masuri sya," wika ni Emir sa isa sa mga tauhan nila.
"Dalhin muna natin sya sa kwarto nya para makapahinga. Magpahinga na rin muna kayo Prinsipe Nathan at Prinsipe Niño. Kakailanganin natin ang lahat ng lakas nyo," payo ni Pietro.
Dumaan ang oras, nagising si Ricky sa kwarto nya. Dahan-dahan syang bumangon.
"Sinasabi na nga ba. Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Mike.
"Maayos na. Ikaw ang dapat nagpapahinga," sagot ni Ricky, "Kamusta ka na?"
"Maayos na. Salamat sa mga Healers na pinadala mo," wika ni Mike.
"Ang mga Greems?" tanong ni Ricky na kaagad bumangon.
Halos bumagsak sya dahil nanlambot ang braso nya. Inalalayan sya ni Mike na umupo sa kama nya.
"Easy there! Bawi ka muna nang kaunti. May epekto pa ang TDE sa'yo. Sa sobrang dami ng tao na pinasan mo, hindi ako makapaniwala na isang buong araw mo lang itinulog," ani Mike.
"Ano nang nangyayari?" tanong ni Ricky.
"Naghahanda na sila para ipagtanggol ang Sentro. Alam na ng papa mo ang mangyayari. Base sa estimate darating ang pwersa ng Greem sa loob ng tatlo hanggang pitong na araw," kwento ni Mike.
"Ang mga natirang pwersa?" tanong ni Ricky.
"Nakabalik na ang karamihan. Pinasundo ng chopper ni General Pietro. Ang iba naman ay pabalik na kasama ang mga kabayo at gamit," lahad ni Mike.
Naantala ang pag-uusap nila nang dumating si Jessie at ang reyna. Nagbigay galang si Mike habang kaagad umakyat sa kama si Jessie.
"Gising ka na pala, Kuya," bati ni Jessie na yumakap sa kanya.
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ng Reyna.
"Maayos na po, Mama," tugon ni Ricky na pilit ngumiti.
"Mabuti at nakabalik na kayo," anang reyna.
"Kamusta po si papa?" tanong ni Ricky.
"Nakikipagpulong sa mga Heneral para sa paghahanda nang depensa," anang reyna.
"Kuya, natatakot ako," wika ni Jessie.
"Huwag kang matakot, Jaja. Kailangan natin silang paghandaan," wika ni Ricky.
Makaraan ang ilan pang sandali ay nagtungo na sina Ricky at Mike sa Command Center.
"Kamusta Kamahalan?" tanong ni Emir.
"Maayos na Kuya Emir. Ano na pong balita?" tanong ni Ricky.
"So far so good. Mukhang makakabuti sa atin ang tunnels kasi parang maze ito," wika ni Emir na nakatingin sa hologram ng tunnels sa lamesa
"Maraming patibong sa loob ng tunnels dito at dito. Kung lalagyan natin ng mga patibong dito ay posibleng lumabas sila dito. Kakayanin na natin sila sa taas," mungkahi ni Ricky na tinuro ang mga punto na sinabi nya.
"Ang pangamba ko ay gumuho ang bahaging ito kung lalagyan natin ng patibong dyan," pag-aalala ni Emir.
"Paguguhuin natin para hindi sila makapasok. Kailangan lang na nakahanda ang mga tao natin sa bahaging iyan para sa depensa dahil dyan sila lalabas," mungkahi ni Ricky.
"Opo," ani Emir.
"Kakayanin ba ng mga tauhan natin?" tanong ni Ricky na nag-aalala.
"Kakayanin pa naman. Nakipagpulong na ang inyong ama sa mga kaalyado natin at nangakong darating ang tulong. Pinadala na ng Hilaga ang mga pinakamahuhusay nilang mandirigmang monghe, ang mga mandirigma ng Silangan at Timog. Dumating na ang mga taga Esmeralda. Parating ang mga Hunters at Warriors ng Sapiro at Amethyst," salaysay ni Emir.
"Mabuti naman. Magpahinga ka muna Kuya Emir," wika ni Ricky.
"Salamat," ani Emir na ngumiti.
"Nakita nyo po ba si Kuya Ren?" tanong ni Ricky.
"Pinagpahinga ko muna. Kung hindi ako nagkakamali pumunta sa Cakehouse," banggit ni Emir.
"Bukas na po ulit ang Cakehouse?" tanong ni Ricky.
"Oo. Tumutulong sila ngayon sa reyna na magpakain ng mga tao," sagot ni Emir.
"Kayo na muna ang bahala sa monitors. Balitaan nyo agad ako kapag may nangyari," bilin ni Emir sa mga tao sa Command Center.
"Yes Sir," anang isang opisyal.
"Itulog mo muna yan, Kuya. Pakisabi kay papa kapag hinanap ako na nasa Cakehouse lang ako," payo ni Ricky.
"Masusunod. Naroon din ang kambal tumutulong," wika ni Emir.
"Sige po. Salamat," ani Ricky.
Nagtungo si Ricky sa Cakehouse. Nakita nyang puno ang shop ng mga kumakain na parukyano. Kaagad naman itong binati ni Andy.
"Musta?" tanong ni Andy.
"Ayos lang po. Nasaan po sila?" tanong ni Ricky.
"Nasa Sunroom tinutulungan si Tita Anne at Nana Marta mag-ayos ng pagkain. Pumasok ka na," sagot ni Andy.
"Salamat po," ani Ricky.
Pagdating nya sa sunroom ay nakita nyang nagtutulong-tulong na ang lahat sa pag-aayos ng pagkain. Sina Bonnie at Tita Anne ang namamahala sa pagbabalot ng pagkain habang sina Niño, Jude at Ren ang tumutulong maghakot ng pagkain mula sa kusina.
"Mabuti at dumating ka, Ricky. Pakikuha naman yung mga lagayan sa storage room," utos ni Bonnie.
"Opo," ani Ricky na kaagad lumabas patungo sa storage.
Pagbalik nito ay dala nito ang mga lagayan ng pagkain na ginagamit nila sa bulk orders.
"Salamat. Kanina ko pa 'yang pinahahanap kay Kuya Ren mo," banggit ni Bonnie
"Iyan pala 'yun. Pasensya na," ani Ren na napakamot ng ulo.
"Ang mahusay na si General Eagle nalusutan ng food container. Magandang balita ito. Ano kayang sasabihin ng mga tauhan mo kapag nalaman nila?" tanong ni Bonnie pabiro.
"Masisira reputasyon mo kuya," gatong ni Ricky.
Napakamot muli ng ulo si Ren. Tumulong si Ricky na magpack ng pagkain. Makaraan ang ilan pang saglit ay pumasok si Nana Marta kasunod si Niño na tulak ang isang food tray.
"Huling batch na ito," wika ni Bonnie na binalot ang pagkain.
"Eto na ang miryenda natin," pahayag ni Tita Anne nahinain ang baked macaroni na niluto ni Nana Marta.
"Salamat po sa pagtulong nyo sa amin," ani Ricky.
"Ito lang ang maitutulong namin sa LeValle," sagot ni Tita Anne.
"Kahit paano ay mapawi namin ang gutom ng mga kawal ng LeValle. Iyon lang ang maibibigay namin," dugtong ni Nana Marta.
"Salamat po," ani Ren na umupo sa tabi ni Bonnie.
"Magpahinga ka muna, Ren. Wala ka pang tulog nang ilang araw," alalang wika ni Bonnie.
"Kuya magpahinga ka na muna. Bukas ka na bumalik sa HQ," mungkahi ni Ricky.
"Balak kong umuwi muna sa bahay," banggit ni Ren.
"Dito ka na matulog Ren para mahaba-haba ang pahinga mo. Gamitin mo muna ang kwarto nina Ricky," alok ni Tita Anne.
"Salamat po," ani Ren.
Nagring ang telepono ni Jude. Sinagot iyon ni Jude na biglang naging seryoso ang mukha.
"Sige. Papunta na ako dyan," seryosong sagot ni Jude bago ibinaba ang tawag.
Tumingin sya sa direksyon ni Niño.
"Mauuna na po kami ni Niño, may dadaanan lang po kami," paalam ni Jude na humalik sa pisngi ni Nana Marta at Tita Anne.
"Mag-ingat kayo," ani Anne.
"Sasabay na po ako sa kanila pabalik sa palasyo," habol ni Ricky
"Sasama na ako," ani Ren.
"Magpahinga ka muna, Kuya Ren," tutol ni Ricky.
Sa labas ng shop.
"Pupuntahan lang po namin ang posisyon ng Wolves. Lumalapit na daw ang pwersa sa hangganan ng Guadalupe," banggit ni Jude.
"Mag-ingat kayo. Mag-report kayo kapag nakarating kayo," bilin ni Ricky.
"Opo," ani Jude na naglaho kasabay ni Niño.
Dumaan ang ilang oras, wala silang nakuhang update sa kambal kaya nag-alala si Ricky. Nasa Command Center sya noon nakaantabay sa communication.
"Sir may nakuha kaming balita!" anang sundalo sa radyo.
Napatayo si Ricky sa pwesto nya.
"Anong balita?" tanong ni Emir.
"Na-detect na po ang signal nila," anang operator.
"Ipakita mo," utos ni Ricky.
Pinakita sa malaking screen ang pwesto nina Niño at Jude. Napapalibutan sila nang mga kalaban.
"Napapalibutan sila ng mga kalaban Sir," anang operator.
"Sinong kasama nila?" tanong ni Ricky.
"Ang Wolf Unit po. Hindi sila makapagpalabas ng communication para hindi sila makita ng mga kalaban. Alam na nila sitwasyon nila," anang operator.
"Forced pull-out?" suwestiyon ni Ren.
"Hindi maaari. May dahilan kung bakit hindi sila makapull-out," iling ni Emir.
Saglit na natahimik ang lahat.
"May mga sugatan!" sambit ni Ren.
Tumango si Emir.
"Hindi natin sila maaaring tulungan dahil baka matuklasan nila ang posisyon ng mga tao natin," tukoy ni Ricky.
"Pero paano sila, Ricky?" tanong ni Ren.
"May tiwala akong malalagpasan nila 'yan. Kilala ko ang kambal, hahanap sila nang malulusutan. Ako mismo ang nagsanay kay Jude at gaya nang pagsasanay ko sa Prinsipe, alam kong matatatagan nila 'yan," pananalig ni Emir.
Nakatingin si Ricky sa holographic map ng lugar.
"Makakalabas sila. May isang daan pa. Alam ni Jude ang buong lugar," wika ni Ricky na may naalala kaya napangiti.
"Malulusutan?" tanong ni Emir na tiningnan ang vantage point ni Ricky.
"Ang mga rabbit hole!" saad ni Ricky na napangiti.
Samantala, sa lugar na kinalalagyan ng grupo ng Wolves, sinecure ni Zarah ang pagkakatali sa paa ni Rico na nilagyan nya ng improvise splint ito. Si Polly naman ay inaasikaso ang pagkakatali ng gasa ng braso ni Niño. Halos lahat sila ay nasaktan dahil napaengkwentro sila sa mga Greems sa paligid nila. Nakapagtago lang sila sa kweba at hanggang ngayon ay tinutugis. Dumating si Tommy at nilapitan si Jude na may tama noon sa balikat.
"Kamusta Skipper?" tanong ni Tommy.
"Napaampat na ni Polly ang dugo. Daplis lang. Kamusta sa labas?" ani Jude.
"Napapaligiran tayo, Skipper. 360," ani Tommy.
"Kakayanin ba nang grupo na gumalaw?" tanong ni Jude na lumingon sa kweba.
"Aside kay Rico. Makakagalaw naman halos lahat," ani Niño na lumapit sa kanila.
Kinapa ni Jude ang isang bahagi ng batuhan. May nakapa syang isang marka mula sa lugar na iyon.
"May malulusutan pa tayo. Kung hindi ako nagkakamali malapit dito mga isandaang metro mula silangan rito. Ang rabbit hole," banggit ni Jude na napangiti.
"Rabbit hole?" tanong ni Tommy.
"Alam nyo na may underground tunnel sa ilalim ng LeValle. Sa mga lupa naman may mga rabbit holes na nagsisilbing shortcut pabalik sa palasyo na ginagamit ng Special Unit. Tinuro sa akin ni Kuya Ricky ang ilan sa rabbit hole dito nang minsang naligaw kami sa gubat dito," sagot ni Jude.
"Ang problema may mga scouts na ang Greems palapit sa posisyon natin," banggit ni Tommy.
"Kailangan natin sila malinlang sa direksyon natin," mungkahi ni Niño.
Tumango si Jude.
"Magpapahabol ako papunta sa kanluran. Doon nila tayo inaasahang lumabas dahil iyon ang pinakamalapit na daan pabalik ng LeValle. Kailangan nyong lumusot sa rabbit hole. Ipapakita ko sa iyo ang direksyon, Niño," banggit ni Jude.
"Pero paano natin sila mapapaniwala kung mag-isa kang magpapahabol?" tanong ni Tommy.
"Doon ko kakailanganin ang tulong nyo ni Fin," wika ni Jude kay Niño.
"Ang illusion spell," sambit ni Niño.
"Kakayanin mo ba?" tanong ni Jude na sumang-ayon.
Tumango si Niño.
"Gaano mo mapatatagal ang spell?" tanong ni Jude.
"Sa karaniwang lakas at sitwasyon hanggang labinlimang minuto. Pero sa lawak at dami nang paggagamitan ngayon, hanggang lima lang," estima ni Niño
"Sapat na iyon," wika ni Tommy.
"Then ihanda ang mga Wolves kailangan nating makalabas ng buhay," utos ni Jude, "Wala akong balak bumalik para magligtas ng maiiwan."
"Oo, Skipper," ani Tommy na tumalikod para magbigay instructions sa mga kasama nya.
"Kakayanin mo pa Budz?" tanong ni Niño.
"Oo," sagot nya kay Niño. "Pasensya na hindi ko inaasahan na ganito sitwasyon."
"Hindi mo kasalanan Budz. Nalinlang tayo ng signal na iyon," wika ni Niño.
"Kamusta yang kamay mo?" tanong ni Jude.
"Sprained wrist. Pinasuportahan ko na, maibabanat ko na ulit pansamantala," sagot ni Niño, "Iyang balikat mo?"
"Mukhang na-dislocate kaya medyo mahirap gumalaw," daing ni Jude.
"Ayusin ko muna 'yan," alok ni Nino.
Tinupi ni Jude ang kanyang panyo at kinagat. Hinatak naman ni Nino ang braso ni Jude para maiayos ang balikat. Tikis na sigaw sa sakit ang narinig ni Niño.
"Tapos na," ani Niño, "Ayos ka lang?"
Tumango si Jude matapos huminga ng malalim. Bakas pa rin sa mukha nya ang nadamang sakit.
"Salamat. Kamusta sila?" tanong ni Jude.
"Maayos naman. Na-stabilize na ang paa ni Rico. Napaampat na rin naman ang tama ni Ivan at si Levi ang nakabantay sa labas," ulat ni Niño.
"Aalis tayo in fifteen minutes. Papadala ko si Fin kay Kuya para masalubong kayo sa rabbit hole. Ipapakita ko sa'yo kung saan," wika ni Jude na pinabasa kay Niño kung nasaan ang tinutukoy nyang lugar.
"Ok. Alam ko na. Paano ka, Budz?" tanong ni Niño kay Jude.
"Magkita tayo sa bahay," wika ni Jude.
"Mag-ingat ka. Mahihirapan akong magpaliwanag kay Jessie kapag hindi ka nakauwi," wika ni Niño.
"Ikaw na muna bahala sa tropa, Budz," bilin ni Jude na ngumiti.
Samantala sa base, puno pa rin ng tensyon sa Command Center dahil naghihintay sila ng balita sa Wolf Unit, nang nagpakita si Fin.
"Kamahalan!" litaw ni Fin na nakaanyong tao.
Lumuhod sya sa harap ni Ricky.
"Fin. Kamusta ang mga kapatid ko?" tanong ni Ricky.
"Sugatan po sila pero maayos naman po. Napapaligiran sila ngayon ng mga kalaban. Tatangkain nilang lumusot sa rabbit hole na malapit doon, limang minuto mula ngayon. Kakailanganin po nila ng medical rescue dahil medyo malala ang tama ng mga kasapi ng Unit," lahad ni Fin, "Pinadala nya ako para ihatid ang balitang ito. Babalik na po ako sa kanila."
"Pakisabi mag-ingat sila," bilin ni Ricky.
"Makakarating po," ani Fin na yumukod bago muling naglaho.
"Narinig nyo, guys? Ihanda ang response team on standby," utos ni Emir.
"Yes Sir!" anang operator.
Lumabas sa kweba ang Wolf Unit. Akbay nina Tommy at Polly si Rico. Sina Zarah, Levi, Ivan at Niño ang nakatokang magbantay sa grupo. Ginamit ni Niño ang kapangyarihan nya at gumawa ng doble ng mga kasama nya.
"Sumunod kayo kay Trix," utos ni Niño.
Tumango ang mga double.
"Mag-ingat ka. Buksan mo ang radyo mo," bilin ni Niño.
"Kayo rin," ani Jude, "It's showtime! Tayo na," utos nito.
Tumakbo si Jude palayo sa kanila. Makaraang ang ilang saglit, isang kaguluhan ang napansin ng grupo sa kanan nila.
"Tayo na," mahinang wika ni Niño sa mga kasama nya.
Nang makarating sa palatandaan, isang Greem ang biglang bumulaga sa kanila. Kaagad nyang tinutok ang bow nya at nagpakawala nang dalawang magkasunod na pana. Tumama ang pana sa Greem.
"Nandito na tayo," sigaw ni Niño na pinindot ang isang bato kung saan lumabas ang isang pinto.
Isang Greem muli ang nakita nya na pinana muli nya. Napansin nya na dumarami ang dumarating na Greems.
"I'll protect your back. Pumasok na kayo. Gamitin ang radyo," utos ni Niño.
"Mayday! Mayday! This is Wolf Unit," tawag ni Tommy.
"Wolf we are on standby to take you home." sagot ni Steve.
"Roger that!" ani Tommy.
Maya-maya'y may mga sundalong lumabas mula sa pinto na kaagad sinalubong ang grupo. Inalalayan kaagad sila pababa ng hagdan.
"Mauna na kayo. Hintayin ko si Trix," wika ni Niño.
"Budz, dito na kami. Nakita na namin ang mga kasamahan natin," ani Niño sa isip ni Jude.
"Mabuti. Pabalik na ako," banggit ni Jude.
Nakaramdam ng hilo si Niño.
"Budz, ayos ka lang?" tanong ni Niño na nag-alala.
Saglit natahimik si Jude bago nakasagot.
"Ayos lang. Mauna na kayo," kibo ni Jude.
Pagpasok ni Niño sa baba ng rabbit hole ay natumba sya. Naalalayan sya ni Steve.
"I got you, Prince Niño," hawak sa kanya ni Steve na inakbayan si Niño .
"Salamat," ani Niño.
"Kailangan na nating umalis, Kamahalan," wika ni Steve.
"Kuya Steve, si Nathan. Pabalik na si Nathan," sabi ni Niño na hinang-hina.
"Ako na bahalang salubungin sya, Kamahalan. Ibalik nyo na sila," utos ni Steve sa mga tauhan nya.
Inakbayan si Niño nang isang kawal at inilayo.
"Mauna na kayo para mabigyan ng lunas ang mga kasama natin. Hihintayin ko lang si Prinsipe Nathan," utos ni Steve.
"Masusunod po," anang kawal.