5

2421 Words
Kinabukasan habang naghahanda ang buong grupo sa pagsalakay ay kumatok si Jessie sa kwarto ni Ricky. "Kuya," nag-aalalang tawag ni Jessie. "O, Jaja! Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Ricky. "Kailangan nyo po ba talagang umalis??" tanong ni Jessie. "Alam mo na ang dahilan, Jessie." sagot ni Ricky na niyakap ang kapatid. "Pakiramdam ko wala naman akong maitutulong sa inyo nina Kuya Jude at Kuya Niño," ani Jessie na nakasimangot. "Meron. Basta ipangako mo sa akin na aalagaan mo si Papa at si Mama. Medyo matatagalan bago kami makabalik, kaya kailangan namin ng tutulong kay Mama. Pwede ba 'yun?" tanong ni Ricky. "Pwede po. Pero pangako nyo na mag-iingat kayo," hiling ni Jessie na nanliligid ang luha. "Pangako," ani Ricky na tinaas ang kamay bago humawak sa puso. "Basta kung ano mang balita ang makarating. Huwag kang iiyak at matatakot dahil ramdam namin, lalo na ni Kuya Jude mo kapag umiiyak ka," bilin ni Ricky na pinahid ang luha ng kapatid bago nya ito niyakap. Kumatok si Drew sa pinto bago pumasok. "Oras na Bro," tawag ni Drew. "Tayo na!" ani Ricky na kinabit ang utility belt nya at leg holster nya. Sa pasilyo ay nakasalubong nina Ricky, Drew at Jessie sina Jude at Niño. Napansin ni Jude na natanggal ang pagkakatali ng sneaker ni Jessie. Yumuko si Jude at lumuhod sa harap ni Jessie. "Hindi magandang tingnan sa isang prinsesa na hindi nakatali nang maayos ang sintas ng sapatos," wika ni Jude habang inaayos ang sintas ni Jessie. "Opo," ani Jessie na tumutulo ang luha. "Paano ako makakakilos nyan kung iiyak ka?" pabirong reklamo ni Jude sa kapatid na napahawak sa balikat nya. "Pasensya na po, Kuya," wika ni Jessie na nagpahid ng luha. Tahimik na tinali ni Jude ng maayos ang sintas ng sapatos ng kapatid. "Tapos na," wika ni Jude na ngumiti kay Jessie. "Jaja, mas hindi katanggap-tanggap na makita na umiiyak ka. Ngumiti ka naman," ani Niño na pinahid ang luha ni Jessie. "Babalik kami. Pangako," sabi ni Jude na niyakap at hinalikan sa noo ang bunso. "Magsanay ka sa archery. Pagbalik ko tuturuan ka na namin sa 50 meter target," bilin ni Niño. "Talaga, Kuya?" wika ni Jessie. "Pangako 'yan, Jaja," ani Jude na ngumiti. "Huwag kang pasaway. Hindi ka namin mahahanap ni Nathan kapag tumakas ka na naman sa mga bantay mo. Huwag mong pasakitin ang ulo ni mama sa kahahanap sa'yo," bilin ni Niño. Tumango lang ang dalagita. "Tayo na. Hinihintay na tayo nina Mama," yakag ni Niño. Sa tarangkahan ng palasyo, naroon ang reyna at naghihintay sa kanila. "Ikaw na muna ang bahala sa kaharian Eagle," bilin ni Emir. "Maaasahan mo 'yan. Ipagtatanggol ko ito parang bahay ko. Mag-ingat kayo," tango ni Ren. "Salamat," ani Emir. "Mag-ingat kayo," anang reyna. Kasama si Emir, lumuhod sina Ricky, Jude, Niño, Drew at Alexi sa harap ng reyna. Kasama nila ang dalawang grupo ng REU. "Mag-ingat kayo. Ibinibigay ko ang aking basbas. Nawa'y pag-ingatan kayo ng Maykapal at ng Phoenix God," anang reyna. "Maraming salamat po, Kamahalan," tugon ni Emir. Tumayo ang magkakapatid at yumakap sa kanilang ina bago tuluyang umalis. Palabas pa lang sila ay hinarang sila ng isang grupo. Lumuhod ang mga ito sa harap ng mga prinsipe. "Hindi naman kayo aalis nang hindi kami kasama, mga Kamahalan?" pabirong tanong ni Pietro. "Pietro!" ani Emir na napangiti. "Kuya Hector. Salamat. Malaking maitutulong ang grupo nyo sa amin," natutuwang wika ni Ricky. "Kung ganoon ay tayo na," ani Jude. Ginamit nila ang underground tunnels para makalabas ng LeValle nang hindi napapansin. Dumaan ang ilang araw bago sila nakarating sa kaharian ng Greem. Pinagplanuhan nilang mabuti ang timing at paraan ng pagsalakay. Inabutan ni Drew ng isang mug nang kape si Ricky. "Salamat Bro," ani Ricky. "Wala akong madiskartehan ng tsokolate. Magpahinga ka muna, Ric. Time-out muna," paalala ni Drew na humigop sa mug nya. "Salamat sa paalala, Bro. Salamat din sa pagsuporta. Alam kong mas dapat nasa tabi ka ni Mike ngayon," ani Ricky. "Si Mike mismo ang nagtaboy sa akin na sumama. Naiinggit nga ang loko," pabirong wika ni Drew. "Bro, alam kong nakatakda kang magtuloy ng medical training mo para sa military academy. Hinihintay ka na nila," banggit ni Ricky. "Naipasa ko na requirements namin ni Mike pero baka hindi muna. May mas nangangailangan sa amin dito. Siguro pag natapos ito," wika ni Drew. "Matagal nyong hinintay iyon. Nabanggit mo sa akin dati na magiging mahirap na pumasok sa mga susunod na cycle dahil mas magiging mahigpit na sila sa pagtanggap ng aplikante," gulat na wika ni Ricky. "Mas kailangan kami ng pamilya namin. May susunod na cyle pa naman. Makapaghihintay naman iyon. Sabi nga nila masyado pa kaming bata. Alam mo naman na mahilig ako sa challenges," sabi ni Drew. "Salamat Drew," ani Ricky. "Time-out ka muna. Magpahangin muna tayo," wika ni Drew. "Sige na Kamahalan. Masyado ka nang babad dito sa loob. Kapag hindi ka pa lumabas ay uutusan ko na si Drew na kaladkarin ka palabas," susog ni Emir na ngumiti. "Sige na Prinsipe. Kailangan mo ring magpahinga. Hindi ka makina," paalala ni Pietro. "Maraming salamat," ani Ricky. Lumabas ang dalawa sa tent. Tiningnan ni Ricky ang oras sa relo nya. Napansin ni Drew na suot nya ang isang bracelet. "Ang ganda nyan. Teka kelan ka pa nagsuot ng bracelet?" tanong ni Drew. "Nito lang. Niregalo ni Aly noong birthday ko. Lucky charm ko," sagot ni Ricky na hinawakan ang bracelet. "Kung buhay narito pa sya malamang nakatanggap ka na naman ng suntok nya dahil sa pag-aalala sa'yo," natatawang alala ni Drew.  "Nag-aalala ako na baka marami pang pinsala na maidulot sa mangyari kapag hindi natin ito matuldukan kaagad," wika ni Ricky. "Magiging mabuti kang hari, 'tol" sabi ni Drew.   "Inaalala ko kayo. Mas gusto ko sana na naiwan ka sa palasyo. Ayokong masaktan ka. Tama na sana si Mike at ang ibang buhay na nasaktan dahil sa kapabayaan ko. Baka nag-aalala na ang mama mo," wika ni Ricky. "And miss all the fun? Seriously, kakailanganin mo ang lahat ng tulong na maaari mong makuha dito sa tabi mo. Alam ni mama ang panganib ng trabaho ko. Paano ko maiinggit si Mike nyan kung hindi mo ako isasama?" pabirong wika ni Drew. "Kamusta na pala sya?" tanong ni Ricky. "Bago ako umalis stable na sya. Dumating ang ate nya para alagaan sya," sagot ni Drew. "Mabuti naman. Nakita mo ba sina Jude at Niño?" tanong ni Ricky. "Naroon sila sa patag, nagsasanay," tugon ni Drew. "Tayo na. Silipin natin sila," ani Ricky. Nagtungo sila sa may patag. Nakita nila na nagsasanay ang kambal. "Budz, hindi talaga uubra," malungkot na sabi ni Niño na binitawan ang nabaling hunting knife na hawak nya. "Pangatlo mo na ito, Budz," ani Jude na pinulot ang talim ng punyal na balot pa rin ng yelo. "Hindi ko ito magagamit," asar na wika ni Niño na napapailing sa frustration. "Anong problema?" tanong ni Drew. "Sinusubukan po ni Niño na gamitin ang ice blade. Kaya lang laging napuputol ang ginagamit nyang dagger," kwento ni Jude na hinagis kay Drew ang putol na frozen blade. Tinawag ni Ricky ang isang espesyal na punyal na kaagad namang lumitaw sa kamay nya. "Subukan mo ito," hinagis ni Ricky patungo kay Niño ang isang kakaibang punyal. Ginamit ni Nino ang hawak nyang puluhan para pigilan ang punyal at paikutin ito pataas bago nya sinalo. "Subukan mo," hamon ni Ricky na nakangiti kay Niño. Lumayo si Niño sa mga kasama nya. "Ice Blade!" ani Niño na pinadaanan ng kapangyarihan nya ang punyal. Binato ni Drew kay Niño ang putol na talim at naputol naman ni Niño ng walang sabit. "Looking good," ani Drew na napangiti. Napangiti si Niño. "Nakaya nya ang maliit pero malaki kaya?" tanong ni Jude. Tumingin si Niño kay Ricky, humihingi ng permiso na gamitin ang lakas nya. Tumango lang si Ricky. Pumikit ito at gumawa nang taong lupa. "Ang galing!" ani Drew na napangiti. "Atakehin mo si Niño," utos ni Ricky sa taong lupa. Inatake naman nito si Niño ng mabilisan. Nailagan naman ni Niño ito at nahati ng punyal na walang problema. "Ang galing! Ni hindi man lang nagasgasan ang punyal," manghang wika ni Drew. "Ito ang water blade!" nakilala ni Niño ang punyal. "Nakita ko nang ginamit mo iyan minsan," ani Jude. Tumango lang si Ricky. "Ibinibigay ko na sa'yo yan. Sinubukan ko na yang gamitin minsan at medyo nahirapan akong pasunurin yan. Isang regalo mula sa Aqua tribe noong natulungan namin sila," wika ni Ricky. "Salamat, Kuya. Tamang-tama ito," ani Niño. "Sabi nila kapag nakontrol mo raw ito maaari mong ma-activate ang isa pang property nito - Ice Arrows. Hindi mo na kakailanganing gumamit ng malakas na kapangyarihan katulad ng crystals," lahad ni Ricky. "Tamang-tama sa'yo, Budz," tuwang wika ni Jude. "Eto naman ang sa'yo," ani Ricky na naglabas ng isang espadang nasa scabbard. "Marunong ka namang gumamit nito, diba?" ani Ricky na hinagis kay Jude ang espada. Nasambot naman ito ni Jude. Kaagad nyang hinugot ang espada sa puluhan. "Matagal-tagal na rin ng huli ako makagamit nito," sambit ni Jude na winasiwas ang espada. Tumalon palayo at sinubukan ang espada na dala nya. Nagpakawala ng apat na mahiwagang ibong apoy si Ricky mula sa kamay nya at pinaatake kay Jude. Tumalon si Jude at biglang nawala. Lumitaw nakaluhod ang isang tuhod. Nahati sa dalawa ang mga apoy na ibon bago naglaho. Namangha ang lahat sa nagawa ni Jude. "Kaya ng espadang iyan paglahuin ang kapangyarihan ng humahawak sa kanya at dagdagan ang bilis nya. Dahil hangin din ang kapangyarihan mo, mas tatalas ang talim nyan na makakahati ng tubig at hangin," ani Ricky. "Anong meron at inaatake mo mga kapatid mo?" pabirong wika ni Drew. "Nais ko lang makita nila ang lakas nila," sagot ni Ricky na napangiti. "Salamat, Kuya," ani Jude. "Sa iyo naman, Drew. Tanggapin mo ito," bigay ni Ricky na naglabas ng isang kwintas, "Isuot mo ito, Bro. Pangangalagaan ka nito sa panganip. Alam kong hindi kita matutulungan sa lahat ng oras kaya hayaan mong pangalagaan ka ng kwintas na ito. May tutulong sa'yo kapag kailangan mo." "Salamat bro. Hindi mo ko dapat alalahanin," wika ni Drew na sinuot ang kwintas na binigay ni Ricky. "Gusto ko lang makasiguro. Ayoko nang maulit ang mga nangyari," sabi ni Ricky. "Salamat," ani Drew. "Tayo na. Magpahinga na kayo. Kailangan na nating maghanda para briefing," yakag ni Ricky. Binalik ni Jude sa scabbard nya ang katana nya bago tumayo. Palapit na sya nang mapatigil sya. Nabitawan nya ang katana nya at napaluhod hawak ang kanang balikat nya. "Jude!" tawag ni Niño na inalalayan ang kapatid nya. "Umiiyak na naman si Jessie," sambit ni Jude na napakagat ng labi. Dahan-dahan syang tumayo. "Ang mabuti pa ay tawagan nyo na muna sya para mapanatag sya," mungkahi ni Drew na may pinindot sa relo nya. "Baka mahuli frequency natin," nag-aalalang wika ni Jude. "Huwag nyo alalahanin. Binali ko ang frequency para malito sila," wika ni Drew Nilabas ni Ricky ang cellphone nya at nagspeed dial kay Jessie. Pinindot nya ang loudspeaker. "Kuya!" ani Jessie. "Kamusta Ja?" tanong ni Ricky. "Ayos naman po," sagot ni Jaja. "Sina Mama at Papa?" tanong ni Niño. "Maayos naman po. Si Papa back to work na kahit nagagalit si mama. Si Mama tumutulong sa Guadalupe," kwento ni Jaja. "Jaja, umiiyak ka na naman," reklamo ni Ricky. "Hindi po," tanggi ni Jessie. "Ja, nasa harap ko si Nathan. Namimilipit sa sakit," wika ni Ricky. "Sorry po. Nag-aalala lang po ako," ani Jessie. "Ja, ayos lang kami," paniniyak ni Jude. "Sorry po Kuya Nathan," ani Jaja na umiiyak. "Tumahan ka na. Nangako ka na magiging matatag. Tumupad ka sa pangako mo at tutuparin ko pangako ko sa inyo," alo ni Ricky. "Ja, huwag kang mag-alala. Nangako kami, we intend to keep our promise," ani Niño. "Kaya pahid na ang luha at magpahinga ka na. Tatawag ako uli sa'yo bago kami umuwi," wika ni Ricky. "Ingat po kayo," ani Jessie. "Ihalik at iyakap mo kami kina mama at papa," bilin ni Ricky. "Sure po," ani Jessie. Binaba ni Ricky ang telepono. Napansin ni Drew ang pagod sa mukha ni Ricky. "Bumalik na tayo para makapagpahinga," ani Drew. Naglakad pabalik sa kampo ang apat. Nagkukuwentuhan ang apat nang dumating sa kampo. "Magpaalam muna ako kay Kuya Emir. Mauna na kayo sa tent nyo," paalam ni Ricky. Pagpasok ni Ricky sa Command center tent nakita nyang nababahala sina Emir at Pietro. "Ano pong problema?" tanong ni Ricky. "Masyadong tahimik sa kampo ng Greems. Nagpadala ako ng scouts at napag-alaman naming walang tao sa palasyo. Wala ang mga sundalo at tila alam nilang aatake tayo," namomroblemang wika ni Emir. "Paano nangyari?" tanong ni Ricky. Napaisip saglit si Ricky. "Pareho tayo nang nasa isip, Ethan. Pero paano nila gagawin?" tanong ni Emir. "Nabasa nila ang kilos natin," analisa ni Ricky na nabalisa. "Pero saan sila dadaan? Walang movement sa paligid natin," ani Pietro. Saglit na muling nag-isip si Ricky. Napapukpok sya sa lamesa. "Ang mga tunnels! Natuklasan nila ang underground tunnels!" sambit ni Ricky. "Tunnels?" tanong ni Pietro. "May lumang underground tunnels system sa ilalim ng buong kaharian. Usually iyon ang ginagamit ng ilang REU Special unit para makarating sa lugar nang hindi nakikita," paliwanag ni Emir. "Kailangan nating bumalik! Nanganganib ang Sentro!" balisang wika ni Ricky. "Sabihan ang mga tao na maghanda pabalik sa Sentro," utos ni Emir kay Steve "Yes Sir!" ani Steve. "Alfonso, tawagan ang Knights. Sabihan na tulungan sina General Eagle. Code Strata," utos din ni Pietro sa tao nya. "Opo," ani Alfonso. "Colonel Alfonso, ikaw na muna ang bahala sa mga tao. Mauuna kami ng mga Kamahalan pabalik sa LeValle. Kailangan makabalik kaagad sa LeValle," dugtong ni Pietro. "Gaano katagal bago makabalik gamit ang mga kabayo?" tanong ni Ricky. "Apat araw po. Kung dire-diretso po," sagot ni Alfonso. "Masyadong matagal. Hindi na natin aabutan ang LeValle. Magpapaiwan ako ng ilan para mangalaga sa mga kabayo," wika ni Emir. "Pakitawagan si Cody. Ipahanda ang mga chopper sa instructions pagbalik ko," wika ni Pietro. "Opo," ani Alfonso. "Sabihan ang dalawang REU ang unit nina Battleaxe at Crossfire na maghanda. Babalik tayo sa LeValle," utos ni Ricky "Opo Kamahalan!" tugon ni Emir. Nagpa-ring si Ricky kay Drew. Ilang saglit pumasok sina Drew, Jude at Niño. "Babalik tayo sa LeValle. Nauna na ang pwersa ng Greem papunta sa Sentro," utos ni Emir. "Aatakehin ng Greems ang Sentro," ani Ricky. Napaisip saglit ang tatlo. "Sa tunnels!" naisip ni Niño na nanlaki ang mata. Tumango si Ricky. Nabahala din si Jude. "Kailangan na nating bumalik," ani Jude.    .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD