"Seriously! Tama si Jude. Hawig na hawig nya si Alyssa maliban sa kulot nyang buhok," manghang wika ni Drew. "Kaya nga natigilan rin si Ricky nang unanyang makita si Joey," ani Mike "Bakit hindi mo sinabing marunong kang mag Sapiryan?" tanong ni Drew kay Ricky. "Bro, sablay 'yun! Nabastos mo si Lady Joey," gatong ni Mike. "Kaya nga hinahanap natin sya. Mababalatan ako nang buhay ni Rissa kapag hindi ako nakapag-sorry kay Joey," katwiran ni Ricky. Nakita nila si Joey sa play room nakikipaglaro kay Mariko. Napatigil si Ricky sa pintuan at pinanood si Joey. "Aly!" naibulalas ni Ricky. Nakita nya saglit si Alyssa nakikipaglaro sa isang bata sa ospital. "Ric!" tawag ni Drew na tinapik sa balikat si Ricky. Napansin nyang nakatingin na sa kanya sina Joey at Mariko. "Pasensya na kung naa

