Paglabas ni Ricky ng kwarto ay nakaramdam sya ng kirot sa dibdib nya. "Si Nathan!" bulalas ni Ricky. Isang aide ang patakbong lumapit sa kanya. "Kamahalan, pinahahanap kayo ng Master Luke," anito. "Anong nangyari?" tanong ni Ricky. "Si Prinsipe Nathan, bigla na lang bumagsak hawak ang dibdib nya," anang Aide. "Nasaan sila?" tanong ni Ricky na nababahala. "Movie Room!" anang Aide. "Ang mga bata?" tanong ni Ricky habang patungo sa movie room. "Nasa kwarto na po, nagpapahinga. Nagpasya po kasi silang manood ng pelikula," anang aide habang tumatakbo sila patungo sa Movie Room. Sa Movie Room, inabutan nila si Niño na sangga ang atake ni Jude kay Luke. Kulay pula muli ang mga mata nito, nanlilisik at handang pumatay. "Luke, labas!" utos ni Ricky. Kaagad tumakbong papunta sa likod ni

