Pagdating sa hardin ay naabutan nilang kumakain ng Cake ang mga bata at may dalawang kasing-edad na babae ni Ricky na naroon. "Ate Rissa," wika ni Niño na ngumiti at binati ang dalaga. "Niño, kamusta? Nathan!" bati ni Rissa na niyakap ang kambal. "Natatandaan mo pa ba sya Ethan?" tanong ng lolo nya. "Sinong makakalimot sa pinsan kong nagtago ng sapatos ko noong Summer Ball?" pabirong wika ni Ricky. "Dahil kinain mo ang velvet cupcakes na niluto ko," pasikmat na sagot ni Rissa. "Welcome back Ethan!" ani Rissa na niyakap ang pinsan, "Namiss kita." "Ikaw din. Kamusta ang boarding school?" tanong ni Ricky na kumalas. "Boring as usual," tugon ni Rissa, "Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan, ang best friend ko si Lady Jocelyn ng Sapiro. Lady Jocelyn, ang mga pinsan ko sina Ethan, Niño

