Makaraan ang ilang minuto ay naglakbay na sila patungo sa nayon. Nakarating sila sa nayon makaraan ang ilang saglit. Nakiusap sila na makikigamit ng banyo. Nagpalit ng damit si Niño. Napansin din ni Jude na tulala si Jessie sa isang bangko sa ilalim ng puno. Napansin ni Mike na umaagwat si Jude sa mga kapatid. "Jude, bakit hindi mo lapitan si Jessie?" tanong ni Mike. "Hindi na muna, Kuya," iling ni Jude. Napansin nilang lumapit sina Niño at Ricky kay Jessie na noo'y umiiyak. Humakbang si Jude palapit pero sa huling saglit ay pinigil nya ang sarili. "Tulak ng bibig, kabig ng dibdib!" wika ni Mike. Tumungo si Jude. "Soldier Mode ka na naman," puna ni Mike. "Mas mabuting ganito muna po. Para hindi ko sila masaktan," amin ni Jude. "Malayo pa ba dito ang Lime District?" tanong ni Mike.

