Habang papalayo kami sa siyudad, mas lalo pang lumalawak ang paligid na nakikita ko. Halos wala nang abot-tanaw na mga gusali… puro damuhan na lang at maluluwang na lupa na parang walang katapusan. Napakunot ang noo ko nang may marinig akong kakaibang ingay. Hindi iyon ordinaryong tunog ng mga makina. Mas mabigat at mas agresibo. Parang umuugong sa pandinig ko. “Anong lugar ito, Ashton?” tanong ko, hindi ko maitago ang kaba sa boses ko. Ngumiti lang si Ashton at bahagyang diniinan ang apak sa silinyador. “Malapit na.” Habang papalapit kami, mas lumilinaw ang ingay. May sigawan ng mga tao, halakhakan, at ang nakabibinging huni ng mga makina. Pagliko namin sa isang malapad na kalsadang hindi na sementado, bigla akong napasinghap. “Diyos ko…” Sa harap ko ay isang halos walang hanggan

