Chapter 9 Part 2

2000 Words

Pag-uwi ni Kuya Arvill, tahimik ang bahay… iyong katahimikan na mas nakakatakot kaysa sigawan. Natagpuan niya ako sa maliit naming kuwarto, nakahiga, nanginginig. Mainit na mainit ang noo ko. May mga pasa sa braso, binti, likod… kahit sa leeg ko. “A-Aviona?” nanginginig ang boses niya habang kinakapa ang noo ko. “Ang init mo…” Umungol lang ako. Hindi ko magawang magsalita. Nanginginig ang buong katawan ko na parang giniginaw kahit pawis na pawis ako. Natatakot din akong gumalaw dahil kaunting galaw lang ay dama ko ang sakit ng buong katawan ko. Gustong-guto kong magsumbong ngunit tanging mga tahimik na luha lamang ang lumabas. “Sinong gumawa nito?” galit at takot ang nasumpungan ko sa boses niya noon. “Sino?!” Pinilit kong magsalita, pero walang lumabas. Umiyak lang ako, mahina, para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD