Chapter 9 Courage

2000 Words

Nang makalabas ako ng gusali, doon ko na naramdaman ang bigat na kanina ko pa dinadala. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya sa Dean namin. Ang taas pa naman ng paggalang ko sa kaniya… tapos, kampi pa siya sa mga gumawa ng masama sa akin. “Aviona!” Napalingon ako at nakita ko si Melody na palapit, halatang nag-aalala. Nakakunot ang noo niya at mabilis ang lakad, makikita sa mukha niya ang pag-aalala. Napansin siguro ang hitsura ako. “Okay ka lang?” tanong niya agad. “Bakit ka pinatawag ng Dean?” Hindi ako agad nakasagot. Umupo ako sa bench sa gilid ng pathway, saka siya naupo sa tabi ko. Doon ko na naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko. “Mel…” mahina kong sabi. “Gusto nilang ipa-withdraw iyong kaso.” Nanlaki agad ang mga mata niya. “Ano? Bakit daw?” Doon na bumuhos lahat. I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD