Back to the present time… “Aviona?!” Parang may humahatak sa akin pabalik sa kasalukuyan. Kumukurap ako, saka ko lang napansing nakatingin na sa akin sina Melody at Ashton. Nakatigil na pala ang kubyertos ko sa ere, at malamig na ang pagkain sa harap ko. “Ha?” mahina kong sagot. “S-sorry… ano’ng sabi mo?” Nagkatinginan sila. Si Melody ang unang nagsalita, bahagyang nakakunot pa ang noo. “Kanina pa kita tinatawag. Bigla ka na lang natahimik at natulala riyan. Okay ka lang ba?” Tumango ako agad, parang awtomatikong tugon ng katawan ko. “Okay lang. Medyo… napaisip lang.” Hindi ko masabing ang nasa isip ko ay dugo sa sahig, putok ng baril, at malamig na mga kamay na minsan ay yumayakap sa akin. Hindi ko masabing kanina lang, bumalik sa akin ang alaala ng aparador na amoy alikabok at

