Habang nag-oorder si Ashton, parang kabisado na niya ang lahat ng laman ng menu… nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi siya nagyayabang. Para lang siyang… sanay dito talaga. At doon ako mas lalong na-conscious sa sarili ko. Nang dumating ang mga pagkain, literal kaming natahimik. Ang ganda ng plating, parang artwork. Kahit si Melody, walang masabi. “Hmm,” sabi niya matapos ang unang subo. “Ang sarap!” Napangiti ako, pero nang mapatingin ako kay Ashton, nahuli ko siyang nakatingin din sa akin at hindi sa pagkain. “Bakit?” tanong ko, medyo naiilang. “Nothing,” sagot niya. “Masaya lang akong makita kang ganiyan.” “Ganiyan, paano?” “Relaxed,” sabi niya. “At nakangiti.” Biglang uminit ang mukha ko. Yumuko ako at nagkunwaring abala sa pagkain. Hindi ko alam kung pagkain ba ang nagpapagaa

