Tahimik ang receiving area ng Aguilar mansion matapos ibigay ng pulis ang paunang report. Ang maluwang na sala na kadalasang puno ng bisita at masayang usapan ay ngayon ay parang nababalutan ng mabigat na katahimikan. Nakalatag pa rin sa malaking mesa sa gitna ng silid ang mga larawan ng aksidente… mga kuha mula sa drone ng rescue team, ang diagram ng ridge road sa Tagaytay, at ang mga close-up na larawan ng sasakyan ni Ashnea matapos itong mahila mula sa bangin. May ilang larawan na nagpapakita ng wasak na harapan ng kotse, ang basag na windshield, at ang halos durog na bahagi ng chassis. Sa tabi ng mga iyon ay may ilang printouts ng preliminary mechanical inspection na ginawa ng mga forensic mechanics. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi kumbinsido si Asher. Nakatayo siya sa

