Hindi siya lumalapit. Hindi rin siya nakikialam. Tahimik lang siyang nakasandal sa pader habang pinagmamasdan ang ilang tauhan ng mansyon na dumaraan sa hallway. Kalmado ang ekspresyon ng mukha niya. Halos walang emosyon. Pero sa loob ng isip niya ay malinaw ang bawat detalye ng planong isinagawa niya dalawang araw na ang nakalipas. Ang maliit na chip. Ang remote override. Ang sandaling pinindot niya ang command. Napakaliit ng ginawa niyang pagbabago sa system ng sasakyan… halos imposibleng mapansin agad kung hindi talaga masusing hahanapin. At ngayon, kahit pa nagsimula na ang imbestigasyon… kahit pa ginagamit na ni Asher ang lahat ng resources at teknolohiya nito, wala pa ring ideya ang mga taong nasa loob ng receiving area kung paano talaga nangyari ang sabotahe. Muli siyang napa

