“Bakit naman?” Ngumisi siya. “Because I might be doing this from now on.” Bahagyang napataas ang kilay ko. “Doing what?” “Dropping you off at school.” Saglit siyang tumigil bago nagpatuloy. “Since you’re going to be my future wife anyway.” Napailing ako habang napapabuntong-hininga. “Sige na… ang daldal mo talaga.” “Hey, send me your banking details,” pahabol niya. Muli akong nagtaka. “Bakit naman?” “You need the money, right? I will send it now,” seryosong sabi niya. Biglang nanikip ang dibdib ko. Napalunok pa ako bago sumagot. “Pakiramdam ko tuloy ay isa na akong babaeng bayaran,” sarkastiko kong komento. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. “Huwag na huwag kang mag-iisip ng ganiyan, Aviona. You are nothing like that!” mariing pahayag niya. Parang may ku

