“What are you talking about?” kunot-noong tanong niya. “Magpapakasal na kami ni Deckard… kaya magkasama kami sa–” “f**k! What?!” bigla siyang napatayo pero kasunod din niyon ay napangiwi siya. Kaya naman mabilis akong tumayo at inalalayan siya upang maupong muli. Pero imbes na maupo ay niyakap niya ako nang sobrang higpit. Dahil doon ay umalagwa ang t***k ng puso ko. Sobrang lakas na halos marinig ko na iyon. May isang damdamin ang biglang bumugso na hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. “No! Aviona… you can’t marry him… no way!” Sobrang higpit ng yakap niya kaya naramdaman kong nanginginig ang buong katawan niya. “B-Bitiwan mo ako, Ashton…” hiling ko. Pero parang wala akong lakas. Parang bigla akong nanghina dahil sa yakap niya ngayon sa akin. “Aviona, please… take back

