Chapter 85 Triggered-2

712 Words

“Aviona… alam mo bang miss na miss na kita? Sobra akong nag-aalala sa iyo kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag at chats ko. Tapos ganito ang mare-receive ko ngayong umaga…” pagpapatuloy niya. Wala namang halong panunumbat ang pananalita niya pero bakas ang paghihinanakit. Napayuko ako. Hindi na ako makahinga nang maayos dahil lang sa kinikimkim kong emosyon. Nami-miss niya raw ako… kung alam lang niya. Miss na miss ko na rin siya. Kanina, nang makita ko siya, gusto kong tumakbo at yakapin siya. Gusto kong isumbong sa kaniya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto kong makulong sa mga bisig niya habang iniluluha ang lahat ng mga bagay na nagpapakirot sa puso ko. Pero, paano ko gagawin iyon? Paano ko ipagtatapat sa kaniya na si Kuya ang may kagagawan kaya muntik na siyang mawalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD