Bumukas ang gate matapos makilala ng security system ang sasakyan. Tahimik lang ang loob ng kotse habang nagmamaneho si Arvill. Ang mukha niya ay kalmado. Halos walang emosyon. Pero sa loob ng isip niya, mabilis ang takbo ng mga kalkulasyon. Alam niyang darating ang araw na ito. Hindi siya tanga para isipin na walang mag-iimbestiga sa aksidenteng nangyari kay Ashnea. Sa katunayan… matagal na niyang inasahan na darating ang sandaling tatawagin siya ng pamilya Aguilar para magpaliwanag. Mabagal siyang huminga habang iniikot ang manibela. Hindi siya kinakabahan. Hindi rin siya nagmamadali. Kung may natuklasan man ang mga ito, sigurado siyang hindi iyon sapat. Hindi sapat para patunayan na siya ang may kagagawan. Dahil sinigurado niyang walang matitirang bakas. Ni isa. Huminto ang kotse

