Napakunot ang noo ni Asher. “Announcement?” “Magpapakasal na po sila.” “Ni Ashton?” hindi napigilang tanong ni Marcus. Halos napasandal si Markie sa upuan niya. “That fast?” Umiling si Arvill. “H-Hindi po kay Ashton.” “Ha? Paanong hindi?” usisa ni Asher. Bumaha ang kalituhan at pagtataka sa mukha niya. Hindi siya tanga para hidni malaman ang namamagitan kina Ashton at Aviona. “Deckard is the father,” pahayag ni Ashton na nagpamaang sa mag-aama. Maging ang mga tauhang nakikinig sa gilid ay lihim na nagkatinginan. Mas lalo pang bumigat ang katahimikan sa conference room. Si Marcus ay tila napaisip. Hindi niya inaasahan na sa gitna ng lahat ng problema nila ngayon ay may ganitong balita pa na lilitaw. “Well…” mahina niyang sabi habang hinihilot ang baba niya. “That was unexpected.”

