“Ah… iyon po ba?” Hindi defensive ang tono niya. Mas parang may biglang naalala. “Maipaliliwanag ko po ‘yan, Sir.” Bahagyang tumango si Asher. “Go ahead.” Saglit na sumulyap si Arvill kay Marcus bago siya nagsalita. “Ah, iyan po iyong inilipat ko lang iyong sasakyan sa garahe. Iniutos po kasi iyan ni Sir Millerd noong nanggaling kami ng Baguio.” Napakunot ang noo ni Markie. “The garage?” “Opo,” sagot ni Arvill. “Naka-park po kasi siya sa gilid ng driveway. May paparating pong delivery truck noon para sa kitchen supplies.” Bahagyang nag-isip si Marcus. May mga ganitong delivery nga tuwing umaga. “Hindi ko na po kayo ginulo tungkol doon dahil maliit na bagay lang naman,” dagdag ni Arvill. Nanatiling tahimik si Asher. Hindi siya nagsasalita. Pinapanood lang niya kung paanong sumagot s

