Aviona’s POV Bandang hapon ay pinayagan na akong ma-discharge ng doktor. Maayos na raw ang kondisyon ko, basta magpahinga lang ako nang mabuti at siguraduhing kakain sa tamang oras. May ibinilin din itong mga vitamins na kailangan kong inumin araw-araw. Hindi na ako tumutol. Wala rin naman akong lakas para makipagtalo. Tahimik lang akong nagbihis habang inaayos ni Deckard ang mga papeles sa labas ng room. Naririnig ko ang mahina niyang pakikipag-usap sa nurse sa may hallway. Ilang minuto pa ay bumalik siya sa loob. “Ready?” tanong niya. Tumango lang ako. Hindi na ako nagsalita. Tinulungan niya akong maglakad palabas ng hospital. Hindi naman ako nahihilo, pero marahil ay nag-aalala lang siya kaya hinawakan niya ang braso ko. Hindi ko na iyon pinansin. Tahimik lang din ang biyahe

