“Pasok ka,” sabi ni Deckard habang umuusod sa gilid para makapasok siya. Pagkapasok ni Melody ay agad siyang napatingin sa akin na nakaupo sa sofa. “Aviona…” mabilis siyang lumapit. “Okay ka lang ba?” tanong niya, halatang nag-aalala pa rin. Bahagya akong napilitang ngumiti kahit mahina. “Okay lang ako.” Itinaas niya ang paper bag na dala niya. “Nagdala ako ng prutas. Sabi ni Kuya Arvill, kailangan mo raw kumain ng masustansya.” Inilapag niya iyon sa mesa sa harap ko. “Salamat,” mahina kong sagot. Sandaling tumingin si Melody sa kusina kung saan naglalakad pabalik si Deckard. “Sakto pala,” sabi niya nang mapansin ang mga pagkain sa counter. “Mukhang tapos ka nang magluto, Deckard.” Bahagyang ngumiti si Deckard. “Just finished.” May dalawang putahe na nakahain na sa mesa, kasama

