Tinapos niya ang tawag kay Deckard habang ako naman ay lumingon kay Bobby. Halata pa rin ang pagkalito sa mukha niya. “Wait… ano na naman ba’ng nangyayari?” Lumapit ako sa kaniya. “Bobby… please ihatid mo naman kami sa apartment.” Napakunot ang noo niya. “Bakit? May problema ba?” Hindi ko alam kung paanong ipaliliwanag ang lahat. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari. Pero alam kong kailangan kong bumalik doon. “Please,” sabi ko ulit. “I need to get there right now.” Ilang segundo niya akong tinitigan. Siguro ay nakita niya sa mukha ko kung gaano ako kaseryoso. Sa huli ay tumango siya. “Alright. Tara.” Mabilis kaming lumabas ng gate. Habang papalabas kami ay muling ini-lock ni Bobby ang pinto at gate ng bahay. Pagkatapos ay nagmamadali kaming sumakay sa kotse niya. Si Melody ay

