“Pangarap namin ni Kuya na mabawi ang bahay na ito. Kaya nga pinagbubuti ko ang aking pag-aaral. Ngayon ay naririto na…” napahikbi ako. Sumakit lalo ang lalamunan ko. “Ang bait at ang galante ng Boss ko, ‘di ba?” pagmamayabang ni Bobby. “Suwerte mo talaga sa kaniya!” Doon ay lalo akong napapikit at tuluyan nang naiyak. I felt so bad about myself… pakiramdam ko napakasama kong tao sa lahat ng ginawa ko kay Ashton. Hindi ko na kinaya. Tumakbo ako palabas ng bahay na iyon. “Aviona! Saan ka pupunta?” pasigaw na tawag ni Melody na halatang nagulat sa ginawa ko. Napaluhod ako sa labas at umiyak nang umiyak. Halos pagsusuntukin ko na ang dibdib ko sa sobrang sakit. “I’m sorry, Ashton… I am so sorry…” sigaw ko habang masaklap na humahagulgol. “Sorry. Please… sorry.” Paulit-ulit lang ang lu

