Hindi kami mayaman. Kahit anong kayod ni Kuya, alam kong hindi ganoon kalaki ang ipon namin. At ako nga, part-timer lang sa bar. Kulang pang pambaon sa school. “Kuya, sabihin mo sa akin, please…” pilit ko. Tumahimik siya sandali. Tumingin siya kay Melody, parang naghahanap ng lakas ng loob. “Si Ashton ang nagbayad.” Napasinghap ako, kasabay nang panlalaki ng mga mata ko. “Ano?” bulong ko. “Lahat,” diretso niyang sagot. “From ER. Surgery. ICU. Hanggang dito. He’s paying for everything. I didn’t know your friend is such a wealthy person.” Hindi ako agad nakapagsalita. Maging ang kaibigan ko ay napatingin sa akin. Pero pareho naman naming alam na mayaman talaga si Ashton. “Hindi lang siya,” dagdag ni Melody. “Noong araw ng operasyon mo, nandito rin ang parents niya.” Napatingin ako s

