“Kasi, one week ka raw dito… ibig sabihin, hindi ka pumasok sa mga klase mo?” usisa ko sa kaniya. He chuckled and gently touched my cheek. “Lahat ng klase ng sermon, narinig ko na.” “Deserve mo naman,” biro kong sagot. “Wow. Supportive ka talaga.” Ngumiti ako. Tapos tumahimik ulit kami. Bigla siyang yumuko nang bahagya at inayos ang kumot sa paa ko. Hindi ko napansin na medyo nakalabas pala ang isang paa ko sa ilalim ng kumot. Simple lang na gesture. Pero halos tumigil ang hininga ko sandali. “Ang lamig dito,” sabi niya, parang kaswal lang. “Baka ginawin ka.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot. “Salamat,” mahina kong sabi. Hindi siya agad tumingin sa akin. Nakatingin lang siya sa kamay niyang nakapatong sa gilid ng kama ko. Ilang sentimetro lang ang layo sa kamay ko. “Alam mo,”

