“Hindi biro ang nararamdaman ko,” mabilis na sagot ni Ashton. Napatingin kami sa kaniya. Doon lang siya tumingin pabalik, seryoso. Iyong tipong wala talagang halong arte o pagpapa-cute. Para tuloy akong nabigla. Sa gilid, narinig kong muling bumuntong-hininga si Melody. “So ano nga ang gagawin natin? Hindi naman kasi talaga mukhang bakla itong si Ashton. Ewan ko nga ba kung paano ninyo napaniwala si Kuya Arvill.” “Melody, please,” mahina kong saway. “Sorry, continue. I’ll behave,” sabi niya, pero halatang nag-aalala rin. Saglit akong nawalan ng sasabihin. Hindi pa niya inaamin nang buo. Hindi pa niya sinasabi ang mismong salita. Pero sapat na iyon para bumilis ang t***k ng puso ko. “Hindi pa ako handa,” mahina kong sabi. Hindi siya umatras. Hindi rin siya nagmukhang nasaktan. Sa ha

