“Sinasabi ko lang ang totoo… gusto kong itigil na natin ang pagkikita natin, Ashton. Gagawan namin ni Kuya ng paraan para mabayaran ka. Pero sana, ito na ang huling beses ng pagpunta mo rito,” matigas kong pahayag. Sinadya kong gawing malamig ang tono ko at walang anumang emosyon ang mukha ko. Nanigas siya sa kinauupuan. Tuluyang binitiwan ang hawak niyang kutsara at tinidor. Mataman lang siyang tumitig sa akin. Tila ba tinitingnang mabuti kung ako ba talaga ang kaharap niya. Pagkatapos ay tumayo siya. Bumuntong-hininga. “Maybe you’re just tired. Aalis na muna ako. Thanks for the breakfast.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. Hindi na niya hinintay pa ang tugon ko. Magkasunod akong lumunok. Gusto kong tawagin ang pangalan niya. Gusto ko siyang habulin at magpaliwanag. Pero nanati

