Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si Deckard, saka ako humarap kay Ashton. “Ano bang problema mo?” ako naman ang nagtanong, pilit na pinatatatag ang sarili ko. “Anong problema ko?” ulit niya, mas mababa na ang boses pero mas delikado. “Ikaw ang problema ko, Aviona.” Pagak akong tumawa. “Wala ka nang dapat problemahin. Sinabi ko na sa ‘yo, di ba? Tapos na tayo.” “Tapos na?” napailing siya. “Bakit mayroon bang tayo? Hindi ba ikaw ang nagsabi na wala namang tayo?” Nasaktan ako sa sinabi niya, pero hindi ko ipinahalata. “Exactly,” sagot ko. “Wala tayong label. Wala tayong commitment. So, bakit ka pa nandito at nanggugulo?” Bigla siyang tumahimik. Tapos isang hakbang palapit sa akin. Halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa mukha ko. “Because I

