Naghahalo ang inis at pagkapahiya sa akin. Alam ko kasing kung hindi dumating si Kuya ay bibigay na talaga ako kanina kay Ashton. “Ashton, ayaw na ayaw ko na pinipilit ang kapatid ko sa isang bagay na hindi niya gusto,” paalala ni Kuya. May bahid ng babala ang tono niya. “I’m sorry… I went too far. Hindi na mauulit,” hinging paumanhin niya. Pero sigurado akong hindi siya sinsero sa sinabi niyang iyon. “Tara na, baka naghihintay na ang daddy mo sa atin,” anyaya ni Kuya sa kaniya. “Hindi mo man lang ba siya pagagalitan sa ginawa niya sa akin, Kuya? Ninakawan niya ako ng halik!” protesta ko. “Really? You liked the kiss earlier,” mapaglarong saad ni Ashton kaya lalong nagpuyos ang kalooban ko. “Ashton, huwag mong paglaruan ang kapatid ko,” saway ni Kuya sa seryosong tono. “Hindi ko siya

