Sa loob ni Arvill, may malamig na boses na bumubulong. Good. Mas mabuti kung mas hulog na hulog ka kay Aviona. Mas madali kitang magagamit para sa mga plano ko. “Well, magandang sign iyan,” tila sang-ayon ni Arvill kay Ashton kaya lumapad ang ngiti nito. “Alam ko ring protective ka sa kanya,” dagdag ni Ashton. “And I respect that. Pero sana, bigyan mo ako ng chance. Hindi ko siya sasaktan. I swear!” “Kung alam mo lang… kung alam mo lang kung ano ang balak kong gawin sa pamilya mo.” komento sa isip ni Arvill. Pero sa labas, kalmado lang ang hitsura niya. “Hindi ko pipigilan si Aviona kung ano man ang gusto niya,” maingat niyang sagot. “Pero hindi pa siya ready sa relationship. May mga priorities pa siya.” “Handa akong maghintay, Kuya,” mabilis na sagot ni Ashton. Napatingin si Arvill

