“Mukha siyang masaya at nag-eenjoy, Boss,” dagdag ni Bobby, “iba ang vibe. Hindi random lang kasi may dating, eh.” Hindi na sumagot si Ashton. Nagpupuyos na ang kalooban niya at biglang nawala na sa isip niya ang pinaghahandaan nila. “Sigurado ka ba?” malamig na tanong niya. “Oo, Boss. Isa pa… parang hindi siya mukhang ordinaryong lalaki lang. Mukhang mayaman din.” Napapikit si Ashton sandali. Sa loob ng conference room, naghihintay ang mga taong ka-meeting niya. Pero para sa kaniya, sa sandaling iyon… may mas importanteng bagay ang kailangan niyang gawin. “Stay there,” sabi niya kay Bobby. “Don’t let them out of your sight.” “Copy, Boss.” Pagkababa niya ng tawag, bumalik siya sa conference room at nagpaalam. Halos mapamaang ang mga kasama niya. “I’m sorry,” maayos niyang sabi. “

