“Kita niyo ‘yon? Just in the first two minutes, lamang agad ng sampu!” tuwang-tuwang sigaw ni Bobby. Sumimangot naman si Melody. Ako ay abot-abot ang kaba. Sa puso ko, gusto kong manalo si Ashton at ang team niya. Pero iniisip ko rin ang Hawthorn na siyang nag-alay ng laro para sa akin. Marahas akong nagbuga ng hangin. Ni hindi ko alam kung anong team ang ichi-cheer ko. Kaya naman tahimik na lamang akong nanood. Muli ay naagaw ni Ashton ang bola at mabilis na itinakbo sa ring side nila. Pagkatapos ay parang may pakpak niyang idinakdak ang bola at bahagya pa ngang sumabit sa ring. “s**t! Ashton! Sobrang galing!” sigawan ng mga nanonood. Ang mga galaw niya ay napaka-efficient. Walang sayang na kilos. Parang matagal na niyang pinaghandaan ang bawat anggulo ng court na ito. Sa kabilang

