At pumasok ang tira. 89–89 ang score, tabla na naman. Halos mabasag na ang eardrums ko sa sigawan. Ilang Segundo pang nagpalitan ng puntos. 91–91. Thirty seconds. Hawak ng Hawthorn ang bola. Sinubukan nilang i-drain ang oras. Mahigpit ang depensa ng Herald. Tapos biglang na-steal ni Ashton ang bola. Nag-fast break siya kaya lalong nagkagulo ang buong crowd. At halos mawasak na ang buong gym. Pero may humabol na defender at malakas siyang nabangga sa tagiliran. Pareho silang bumagsak. Napahiyaw pa lalo ang crowd. Napatayo na ako. Hindi ko na alam kung para saan ang sigaw ko… para sa Hawthorn o para kay Ashton. Hindi pumasok ang huling tira. Nag-rebound ang Hawthorn. At doon nagsimula ang bangungot. May natitira pang ilang segundo, overtime na sana ang kasunod, pero habang nag-aaga

