Mas malalakas na yabag ang sumunod. “Ashton?” boses ng isang lalaki. “Markie,” sambit agad ng mommy nila. Halos takbuhin na nito ang puwesto ng mga magulang nila. Talagang makikita ang pagkabalisa sa mukha. May pawis pa ang noo at parang hindi na nagbihis nang maayos bago umalis. Kasunod niya ang kakambal. Siguro ito na iyong Asher, ang panganay nila. Mas mabagal ang lakad nito. Para bang bawat galaw ay kontrolado. Pero ang mukha niya ay galit. Medyo friendly ang awra nitong Kuya Markie nila, pero itong Kuya Asher nila parang kayang bumali ng leeg sa isang pitik lang ng daliri. “s**t! Ang guguwapo ng mga kuya nila… lalo na itong bagong dating!” pigil na pigil ang kilig na anas ni Melody. Kunot ang noong nilingon ko siya. “Manahimik ka nga, Melody! May asawa na yata iyan. Umuwi ka

