Lumipat ng tingin si Jannie sa kaniya, halatang hindi niya inaasahan ang sagot na iyon. “He got hurt because of one player’s decision,” dagdag ni Tita Ashnea. “Not because of her.” Kumabog ang dibdib ko. Ipinagtanggol niya ako. Oh my gosh! Si Jannie ay hindi na nakasagot pa. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkapahiya… at galit. Lalo na nang marinig pa niya ang sumunod. “So…” biglang sabi ni Millerd, medyo may biro pero may halong kaseryosohan ang tono, “maybe she’s the reason he plays like that.” Nabaling sa kaniya ang atensyon ni Tita Ashnea. Kumunot ang noo nito, habang ako naman ay kinabahan. “What do you mean?” tanong ng mommy niya. Millerd glanced at me briefly. “Maybe she’s his secret girlfriend.” Parang tumigil ang mundo ko. “Wow?!” halos sabay na reaksyon nina Melody at Bob

