Nanlalamig ang mga kamay ko. “Hindi totoo ‘yan!” umiiyak na ako ngayon. “Hindi ko kilala si Hayden! Wala akong alam sa plano niya o kung sino man!” “Liar!” sigaw bigla ni Jannie. At bago ko pa maipagtanggol ang sarili ko, bigla niyang hinila ang buhok ko. “Ahh!” napasigaw ako. Parang hihiwalay na sa anit ko ang buhok kong hawak niya. “Kung hindi dahil sa iyo–” galit na galit siya. Pero hindi pa siya nakakatapos magsalita ay sumugod si Melody. “Hoy!” sigaw niya sabay hatak sa buhok ni Jannie. “Sinong nagbigay ng karapatan sa iyong saktan ang kaibigan ko? Gaga ka!” Biglang nagkagulo. Nabitiwan ako ni Jannie, at kinuha ni Melody ang pagkakataong iyon para sabunutan si Jannie. Hindi pa nakuntento ang kaibigan ko at pinagsasampal pa si Jannie. “Aviona! You’re a b***h! Patigilin mo itong

