Ilang sandali pa ang lumipas. Halos wala nang nagsasalita. Parang walang nangyaring gulo, tutukan ng baril, at sabunutan kanina. Tahimik na ulit ang hallway, pero mabigat ang hangin. Si Tita Ashnea ay nakayuko, nakahawak sa kamay ng asawa niya. Si Sir Marcus ay nakaakbay ang isang braso kay Tita Ashnea, pero ngayon mas seryoso ang mukha. Si Millerd ay tahimik lang, pero halatang nag-iisip. Si Kuya Markie ay nakasandal sa pader, parehong nakapamulsa ang kamay, pero kita sa mga balikat niya ang kaba at tensyon. Si Kuya Arvill ay nasa tabi ko pa rin. Hindi niya ako iniiwan kahit saglit. Minsan parang napapansin ko ang galit na sulyap niya kay Kuya Asher. Nakaupo na ito ngayon sa bench, pero parang anytime ay sasabog ulit. Mahigit tatlong oras na. Every time na may lalabas na nurse, saba

