“T-Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko. Tapos ay bumaling ako sa mga magulang nila. “Puwede po ba akong pumasok?” paalam ko sa kanila. Nanuyo ang lalamunan ko sa kaba lalo na at tiningnan ako nang masama ni Kuya Asher. Bago pa may makasagot, biglang bumukas ulit ang recovery room door. “Two visitors,” sabi ng nurse. Tumingin sa akin si Tita Ashnea. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Pero hinihiling ng puso ko na payagan niya akong makapasok doon. “Aviona… you may come. And Millerd.” Nanlaki ang mga mata ni Jannie. “What? Tita–” “Later, Jannie,” mahinahong sabi ni Tita Ashnea. “Let her.” Ramdam ko ulit ang tingin ni Kuya Asher sa likod ko habang naglalakad ako papasok ng recovery room. Kung nakamamatay iyon ay siguradong bumulagta na ako ngayon. Pero alam ng Diyos, wala ako

