Si Kuya Asher. Nakatayo siya sa dulo ng hallway. Matamang nakatitig sa akin at hindi maipinta ang mukha. Napalunok ako. Mas nakakatakot kasi ang ganoong awra niya. Lumapit siya nang hindi nagmamadali. “Sumama ka sa akin.” Diretso at maawtoridad ang tono niya. Walang paliwanag pero siniguro niyang bawal humindi. “B-Bakit po?” maingat kong tanong. “Kung wala kang kasalanan,” malamig niyang sagot, “wala kang dapat ikatakot.” Nanuyo ang lalamunan ko. “Ano po ang ibig ninyong sabihin? Saka… saan po tayo pupunta?” “You are going to face the person pointed you about what happened to Ashton.” Iyong Hayden. Sigaw agad ng utak ko. Biglang bumigat ang dibdib ko. Nasa kaniya ang sagot. Kung magsisinungaling siya sa harap ko, makikita ko. Malinis ang konsensya ko kaya hindi ako natatakot na

