Pero kada pipikit ako, bumabalik lahat. Si Ashton na bumagsak sa court. Si Hayden na nanginginig sa warehouse. At iyong video… iyong mukha ng professor ko habang kausap ang dean. Finals na, malapit na. Kaya hindi ako puwedeng umabsent. Kahit gusto kong magtago muna sa mundo, kailangan kong pumasok. Pagdating ko sa campus, parang iba ang hangin. Maingay. Mainit ang mga usapan. Lahat tungkol sa championship game na nangyari kahapon. “Grabe, obvious na intentional ‘yon!” “Flagrant 2 talaga! Automatic ejection!” “Two free throws plus possession pa sa Herald!” Napahinto ako sa may lobby. Naka-play sa malaking TV ang replay. Slow motion pa iyong mga magagandang bahagi ng game. Highlights review. Kita rin kung paanong paulit-ulit na sinusubukan ni Hayden na saktan si Ashton… may siko, may

