“Grabe… legit ba ‘to?!” “Si… si Sir ba ‘yan?!” Kumunot ang noo ko. Then I heard it. “Pati si Dean!” “Shocks! Kadiri! Ano ang mga ‘to?” Biglang nawala ang antok ko at sumipa ang kuryosidad ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kumpol ng mga estudyante sa may lobby. Naka-on ulit ang malaking LED screen sa gitna ng hallway. Pero hindi na replay ng championship ang naka-play. Mga litrato. Sunod-sunod. Karamihan pa ay close shots. Intimate pictures. Halatang private moments. Si Professor Valejo ay may kasamang ibang babae. Hindi lang isa. Iba-iba. “Huy, guys, ‘di ba may asawa na si Prof?” tanong pa ng isa. “Oo, may anak na rin… pero look, oh!” komento pa ng isa. May mga larawan sa hotel lobby. Mayroong nasa loob ng kotse. May nakaupo sa restaurant, hawak ang kamay ng babae. Mas lumakas an

