Pagdating namin sa dining area, literal na napahinto ako sa entrance. “Grabe…” kusang lumabas sa bibig ko iyon bago ko pa mapigilan. Para sa isang gaya kong lumaki sa hirap at hindi sanay makakita ng mga ganito ka-engrandeng bagay sa totoong buhay, talagang kamangha-mangha. Para akong nasa isang pelikula kung saan nakapasok ako sa bahay ng mga bilyonaryong tao. Pero hindi ito teleserye, totoong buhay ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng dining room. Para akong pumasok sa private pavilion ng isang five-star hotel. Glass walls on one side overlooking a landscaped garden na may soft lighting. Sa taas, may modern chandelier na parang nakalutang na mga diyamante. Ang ilaw ay katamtaman lang, hindi nakasisilaw, pero sapat para magmukhang elegante ang lahat. At ang mesa. Ang

