Habang papalayo sina Ashnea sa siyudad at papunta sa highway, unti-unting nagiging presko ang hangin. Maaliwalas ang langit. Maganda ang araw. Walang anumang palatandaan na may mangyayaring masama. Sa loob ng kotse, tahimik lang si Ashnea habang nagbabasa ng messages sa tablet niya. Paminsan-minsan ay sumasagot siya sa ilang emails. “Very light ang traffic ngayon, Ma’am,” wika ni Allan habang nakatingin sa daan. “That’s good,” sagot ni Ashnea. “Mas mabilis tayong makakarating.” Habang papalapit sila sa Tagaytay ridge road, nagsimulang lumiko-liko ang kalsada. Karaniwan iyon sa lugar na iyon… mahahabang kurba at matatarik na pababa. Sanay na si Allan sa ganitong daan. Matagal na siyang driver ng pamilya Aguilar. Pero ilang minuto pa lang… napansin niya ang kakaiba. Tinapakan niya ang

